Chapter 10

12.4K 247 114
                                    

Jessica's POV

Nagising ako na wala ng kasama rito sa loob ng kwarto sa bahay nila Cha-cha. Agh! Ang sakit ng ulo ko. Hindi ako nakatulog ng maayos. Paano ba naman kasi, hindi na ako tinigilan kulitin nila Cha-cha, Sharri, at Gail after akong hatiran ng glass of freshmilk ni John Paul at kumot at unan naman ni Ken. Mga baliw talaga. Mas kinikilig pa kesa saken.

Bago lumabas ng kwarto eh kumuha muna ako ng tooth brush, tooth paste, at kung anu-ano pang gamit sa bag ko na hinatid ni Daddy para gamitin sa aking early morning rituals. After nun eh tumuloy na ako sa banyo.

Okay. Ayusin ang sarili. Kailangang mag-toothbrush. Nakakahiya naman kung amoy imburnal ang hininga. HAHA.

Pagkatapos kong mag-toothbrush at maghilamus kasama na rin ang mag-ayos ng magulo kong buhok eh agad akong lumabas ng banyo.

"AHHHHH! OUCH!" Sigaw ko. Paano ba naman kasi eh nadulas ako.

Nang tingnan ko kung ano yung naapakan ko eh balat pala ng saging. Kainis naman!  Halos maluha-luha na ako sa sakit.

Sinubukan kong tumayo pero "AHHH!" Masakit talaga.

"Jessica?!"

"K-ken?" Maluha-luha kong tawag sa kanya. Agad naman siyang napatakbo papalapit saken.

"Anung ginagawa mo jan? Are you okay?" Sabi niya sabay luhod sa harap ko. Now. we were face to face.  I can smell his manly scent.

"N-nadulas ako." Sabi ko na parang maliit na batang nagsusumbong.

"Kaya mong tumayo?" Tanong niya.

"y-yeah. I guess." Sabi ko.

Sinubukan kong tumayo ulit pero masakit talaga. Masakit pa sa balakang. Nasobrahan kasi yung bagsak ko. Buti na lang eh hindi tumama yung ulo ko sa sahig. 

Nagulat na lang ako ng bigla akong pangkuin ni Ken. Kinarga niya ako. Yung parang bride kapag bagong kasal.

"K-ken. Kaya ko naman maglakad." Sabi ko. Tae. Nakakahiya.

"No. Kaya ko na." Sabi niya.

Tapos yun nga. Dinala niya ako sa kitchen kung nasan ang lahat. Pakiramdam ko eh habang buhat-buhat ako ni Ken eh namumula ako.

Namumula?

Sa kilig?

O baka naman sa hiya?

Ay ewan.

Nang makarating kami sa kusina eh agad akong ibinaba ni Ken at pinaupos sa isang bakanteng upuan sa dining area.

"Jessica?! Anung nangyari sayo?!" Tanong ni John Paul.

Hala naman! Hindi naman siya galit niyan?

Perfectly Possible ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora