Chapter 49

4.2K 129 9
                                    

Jessica's POV

Isang buwan na ang nakalilipas. Napakabilis lang ng paglipas ng panahon. Pero gaano man kabilis ang pagdaan ng mga araw, ganoon naman kabagal ang pag-hilom ng sakit na nararamdaman ko simula ng gabing iyon.

Ang sabi niya, kapag pakiramdam ko ay wala siya, kailangan ko lang tumingin sa langit at humiling sa mga bituin. Ang sabi niya, tawagin ko lang ang pangalan niya at darating man, ma-delay man ay darating siya..

Isang buwan na akong mukhang tangang tumatawag sa kanya, umiiyak habang nakatitig sa mga bituin na tila na malulungkot rin at narararmdaman ang nararamdaman ko, pero wala pa rin.. hindi siya dumarating..

At pagkatapos nung gabing nag usap kami sa facebook.. hindi na ata ako dapat pang umasa na babalikan niya ako..

****

Isang linggo na akong umiiyak at nagkukulong sa kwarto. Pagkatapos ng prom, parang ayokong pumasok. Naiintindihan naman ako ng Daddy ko dahil sinabi ko sa kanya lahat... lahat ng totoo.. Ang pag-iwan sa akin ni Ken.

Nagpadala na lang kami ng excuse letter sa academy na may sakit ako kaya hindi ako makapasok. Pagkatapos ng prom na wala si Ken... hindi ko na alam kung paano ko sisimulan ang mga susunod na araw na hindi ko siya nakikita..

isang linggo akong nakakulong sa kwarto at ipinagpapasalamat ko na hindi ako kinukulit ng daddy ko. Sa halip ay iniintindi lang niya ako.

Isang linggong hindi ako nag abalang bumili ng phone at makipag-communicate sa mga kaibigan ko. Alam kong nag-aalala sila pero sa mga oras na ito, isa lang naman ang gusto ko, ang mapag-isa.

Isang linggong hindi man lang ako nag-abalang magbukas ng facebook kahit alam kong sa pamamagitan ng bagay na iyon ay maaari kong makausap si Ken... matanong kung kumusta na siya.. matanong kung bakit umalis siya nang hindi nagpapaalam ng maayos sa akin...

at matanong kung babalikan pa ba niya ako..

Isang linggong pakiramdam ko eh ubos na ang mga luha ko.

Isang araw ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko, akala ko si Daddy kaya sumigaw lang ako na pwede na siyang pumasok.

Kaya lang, ang isang linggong pananahimik ko sa kwarto ay nabulabog the moment na bumukas ang pinto. Iniluwa nito sina Sharri, Gail, Cha-cha, at ang besfriend kong si Rona..

"Ay friend, ang pangit mo na, mukha ka ng zombie." said Cha-cha.

"salamat." iyon lang ang sagot ko. Napangiti ako. Pakiramdam ko eh namiss ko sila.

Agad namang lumapit sa akin si Rona at niyakap ako. Ganun din ang ginawa ng iba pa.

"Hindi ka naman ginulo sa loob ng one week, pang walong araw mo na ngayon. Wala ka ng excuse, kailangan ka na naming bulabugin." said Gail.

Perfectly Possible ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora