Chapter 47

4.5K 121 9
                                    

Jessica's pov

Ilang araw na lang, prom na namin. At sa loob ng ilang araw na practice namin eh bihira lang makapag-practice si ken. May seminars kasi itong sinalihan. All the exchange students of the academy attended several conventions regarding youth organizations and awareness na ginanap sa iba't ibang pribadong paaralan dito sa Pilipinas. Tandang tanda ko pa na dalawang beses lang atang nakapag-practice si ken na kasama ako, buti na lang at laging nariyan John Paul para maging partner ko. At least name-memorize ko ang sayaw. Ako na lang ang bahalang magturo sa gwapong boyfriend ko.

Dalawang araw. Dalawang araw na lang at prom na namin. Halos lahat ay excited na. Dito lang sa academy gaganapin ang prom. May malaking function hall naman ang academy kaya may sarili kaming lugar kung saan pwedeng magcelebrate ng mga events.

"Kailan ang balik ni Ken?" tanong sa akin ni Cha-cha. Lumapit ito sa akin at nagpunas ng mukha gamit ang towel. Pawis na pawis ito. Break namin and after 30 minutes eh magre-resume na ang practice.

"Bukas nandito na siya." Iyon ang sabi sa akin ni Ken. Nagtext kasi siya. I mean, oras oras naman niya akong tinitext. At sa tuwing babasahin ko ang mga text message na galing sa kanya, puro "i love you, princess", "i love you so much, babe", at "smile, my princess.."

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Paano naman kasi eh tila hindi ito napapagod maglambing sa akin simula ng umalis ito para sa convention 4 days ago.

Tama kayo, 4 days na kaming hindi nagkikita. Nakakainis nga, timing naman na kung kailan papalapit na ang prom, saka naman nagkaroon ng mga conventions na dapat attendan si Ken. Medyo nakakainis lang. Bad timing.

Pero hindi naman ako nagtatampo kay Ken. Lagi niya akong tinatawagan tuwing gabi. Nag-uusap kami ng mga isa o dalawang oras, magku-kwento siya, magku-kwento ako, magtatawanan kami, pagkatapos eh matutulog na.

"Buti naman eh babalik na siya. Parang gusto ko na kasing isipin na si. John Paul na ang escort mo."

Halata sa boses ni Cha-cha ang selos. Ayokong tumawa kahit natatawa ako habang pinagmamasdan ang mukha niyang namumula sa hiya dala ng sinabi.

"Kaibigan mo ako, hindi ka dapat magselos sa akin."

"Selos? Excuse me?"

"Deny pa, deny ka kasi ng deny, halata naman masyado."

"Excuse me lang ha? Hindi ako nagseselos. Wala naman akong pakialam kay John Paul , ano?"

Ganun?

"Wala kang pakialam? Ay ganun ba? Sige. Hindi ko na lang nga sasabihin yung sinabi niya sa akin na sikreto." Tingnan natin.

Halos manlaki ang mga mata ni Cha-cha sa sinabi ko pero agad din namang inayos ang facial expression niya.

"Paki ko ba? Bakit tungkol ba sa akin yan?" May pagtataray na wika nito.

Kunwari pa, gusto rin namang malaman. Haha!

"Oo."

"Ha? Tungkol sa akin? Ano daw?"

Napangiti ako. Tumayo ako at inilabas ang phone ko. Ipinasak ko sa tenga ko ang earphones, tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo...

Perfectly Possible ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora