Chapter 34

5.8K 161 23
                                    

Jessica's POV

Dalawang araw na kami dito sa Bicol, at sa dalawang araw namin dito, super nag-eenjoy ako pati na rin ang mga kapwa ko Seniors.

Unang-una, hindi maipagkakailang sadyang napakaganda ng lugar. Maraming lugar pasyalan at masayahin ang mga tao. Ika-lawa, ang rason ng lungkot ko ay wala na. Nabuksan na ang mga usaping gumugulo sa aming lahat. Nalaman kong isang malaking hindi pagkakaintindihan lamang ang nangyari sa pagitan namin ni Ken. Ngayong nagkaunawaan na kami, ngayong alam na namin kung saan kami nagkamali, at ngayon, masaya na kami... nagsisimulang muli.

Bukas, ang destinasyon namin ay ang sikat na Wild Park ng rehiyon at ang tinatawag nilang Lignon (Linyon) Hill. Ngayon, free kami kung saan namin gustong pumunta. Naiwan sa Hotel sina Sharri, Cha-cha, Gail, Gian at Tristan. Gusto raw nilang matulog. Si John Paul naman ay kasama ang mga teachers. Busy, student leader eh. 

At ako... heto... kasama si Ken... :)

Kahit hindi namin napapag-usapan kung ano talaga ang estado ng relasyon namin ay masaya pa rin ako. Simple lang naman ang kaligayahan ko, ang makasama siya.

Naglalakad-lakad kaming dalawa....habang hawak niya ang kamay ko. Hindi pa kami official sa lagay na ito, ha? Pero parang oo na... ang gulo..

"Tara, pasok tayo sa shop na iyon." wika niya sabay hila sa akin sa isang maliit na souviner shop. Ang mga tinda ng shop ay mga t-shirts na may mga prints ng mga palatandaan ng Bicol. Tuwang tuwa si Ken habang tinitingnan ang mga souviner shirts. Ang gaganda kasi at the same time ay mura.

"Bumili tayo ng marami, ibili rin natin ang mga kaibigan natin." he said.

Muli akong napatingin sa mga kamay naming magka-intertwine.  Hindi ba siya napapagod hawakan ang kamay ko?

"Jessica.."

"Oh?"

"Are you listening? Ang sabi ko, ibibili natin ng mga damit yung mga kaibigan natin." 

"Ah.. yes yes." Tapos ngumiti na lang ako.

Pa-ikot ikot lang kami sa loob ng shop. At ako? Nakabuntot lang ako sa kung saan pumupunta si Ken, hawak niya ang kamay ko eh.  Sunod lang ako ng sunod sa kanya nang bigla siyang huminto, tumama tuloy sa likod niya ang mukha ko. At nang tingnan ko ang rason kung bakit siya biglang huminto?

COUPLE SHIRT. HAHAHAHA.

For a guy so manly, macho, heartthrob, undie-dropping-drop-dead-gorgeous, Couple shirt lang pala ang makakapagpahinto ng bonggang-bongga.

"Cute." Narinig kong mahinang sambit niya. Gusto kong matawa. Tiningnan ko ang Couple shirt na tinititigan niya, dalawang kulay white na t-dhirt na may nakaprint na Inidoro at Tissue.

Medyo gross. Hahaha. Pero cute nga naman. Kailangan mo naman talaga ng tissue kapag makikipag-usap ka sa toilet bowl di ba? Hahaha.

Perfectly Possible ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora