Jessica's POV
Isang linggo na ang nakalilipas. Pumapasok ako sa school at nakakasalubong siya na tila ba hindi kami magkakilala. Nagkakasalubong kami na tila ba ni minsan ay hindi namin nalaman ang pangalan ng isa't-isa.
Pagkatapos ng araw na iyon, yung araw kung saan dapat sana ay magkikita kami ni Ken sa mall at mag-uusap, ang araw kung saan nakita mismo ng dalawa kong mga mata ang ginawa nila ni Rassy, ang araw kung saan mabuti pa sanang hindi na lang ako nagkagusto sa kanya, ang araw kung saan pakiramdam ko ay babagsak ako sa lupa kung hindi lang dumating sa John Paul para alalayan, pagkatapos ng araw na iyon, si Ken, si Ken pa talaga ang umiwas sa akin.
Sa tuwing magkakasalubong kami sa campus, ni hindi niya ako tinitingnan. At ang masaklap pa, palagi niyang kasama si Rassy. Sa loob naman ng classroom, hindi ko na siya katabi. Lumipat na siya ng seat. Ang saya di ba? Punyeta lang, pero ang saya saya talaga...
"Tulala ka na naman Jessica."
Napalingon ako kay Cha-cha at sa mga kabigan kong sina Sharri, at Gail. Nakikita ko sa mga mata nila Cha-cha ang pag-aalala sa akin. Hindi ko na kinwento pa sa kanila ang naganap sa mall last time. Baka mapasabak pa sila sa gyera. Ayoko na. Ayoko na ng gulo.
Ngumiti na lang ako sa kanila. Ngiting pilit. Ngunit nagkamali ako sa ginawa kong pagngiti.
"Masakit Cha-cha. Hindi nakakatuwa." Batukan ba naman daw ako ni Cha-cha.
"Huwag ka kasing plastic." Nakasimangot na wika ni Gail.
"Yup. Stop smiling kung peke. Ang pangit mo eh." said Sharri.
"Thank you." Iyon na lang ang naisagot ko.
Maya-maya pa'y nag-iba ang ihip ng hangin ng pumasok si Ken sa classroom, but of course, with.....Rassy.
"Napansin ko lang, napapadalas ata ang pagsasama ng dalawang yan. Hanggang ngayon ba Jessica, hindi mo pa rin kinaklaro kung ano ang problema niyong dalawa? Love story na kayo dapat ah, but parang iwasan mode pa?" tanong ni Sharri.
Napayuko na lang ako. Napabuntung-hininga at humiling na sana'y matigil na ang usapan namin. Pero hindi dininig ang panalangin ko dahil muling nagsalita si Cha-cha.
"Nakakainis na ha? Naiirita na ako sainyong dalawa ni Ken. During camping, you two are lovey dovey, and now? Oh come on, ang kokorni niyo. "
"Tama si Cha-cha. Ano ba yan ha? We are expecting a Jessica-Ken team up here dahil sa sobrang kalambingan niyo dati. Tapos ngayon, Rassy na?While you sa tabi-tabi?" said Gail.
"Ang sarap naman itumba niyang si Rassy." said Sharri.
Haays.
"Sila na." mahinang wika ko.
Gulat na napatingin sa akin ang tatlo.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo Jessica." - Gail.
I sighed. "Sila na."
"WHAT THE EFF?!"
Halos lahat ng tao sa loob ng classroom ay napatingin sa amin.
DU LIEST GERADE
Perfectly Possible ✔️
RomantikCrazy one day her crush from the other side of world appeared right in front of her. She can't even possibly think how the hell is this possible. Read more to find out.