Chapter 14

9.7K 181 26
                                    

JESSICA's POV

"Ang daya daya mo!"

"Ikaw naman ang talagang may kasalanan kung bakit tayo binigyan ng punishment eh!"

"Hinabol mo kasi kaming tatlo ng gunting! Tapos malalaman namin na sa student council office ka tapos kami dun sa construction site ng school! Ang daya!"

Andito ako ngayon sa classroom at tama kayo. Umagang umaga eh ginugulo ako nitong tatlong kaibigan ko. Yeah. I consider them friends. Hahaha.

"Hahaha. Hoy mga babae, kasalanan niyo rin nuh, hindi lang ako ang may kasalanan. Kapal niyo ha." sabi ko.

"Waaaah! Hindi mo alam Jessica ang pinagdaanan namin. Ang dumi dumi ng CRs dun tapos yung mga construction workers dun eh pinagtitripan kami!" sabi ni Gail na halata mong inis na inis.

"Tapos ikaw, saya ng buhay mo sa office ng SC. Ayos ka ha? Ang daya!"sabi naman ni Sharri,

"Eh hindi ko rin naman ineexpect na dun ako eh! Ano ba naman kayo!" sagot ko.

"Tapos nagawa mo pang makipagdate sa gabi." dagdag pa ni Chacha.

"Ayos ang radar niyo ng chismis ha? Paano niyo nalaman?" Nakataas ang kilay na tanong ko

"Nakita ka namin. Sinundan ka namin. Tapos may video ulit." sabi ni Gail.

MAY VIDEO ULIT?!

"Anong sabi mo Gail?!" 

"Ang sabi ko-----ARAY NAMAN SHARRI AT GAIL. KAHAPON PA KAYO NANANAPAK HA?!" sigaw ni Gail.

Perfectly Possible ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang