Chapter 27

5.1K 128 37
                                    

 

Masayang bumabyahe ang lahat patungo sa destinasyon. Legazpi City ang last stop ng tour bus. Sa legazpi City pumili g hotel na tutuluyan  ng mga seniors. 

Tahimik lang sa tabi ko si Ken. Nakapikit siya habang nakapasak sa magkabilang tenga ang earphones. Nahihiya naman akong makipag-usap sa kanya. Baka hindi niya ako kausapin at ang kalabasan eh mapahiya lang ako. Hindi ba?

 

Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako. Mukha namang masaya ang mga sakay ng bus. Pero sa sarili ko, kakaiba ang nararamdaman ko.

 

Maya-maya pa ay may narinig akong malakas na kalabog  na halos nakatinag sa aming lahat ng mga pasahero. 

"Gosh! Nawalan ng preno ang bus!" sigaw ng isa sa mga classmates ko na nakaupo sa unahan, malapit sa driver. The panic on her face horrified us.

 

"Ikalma niyo ang inyong mga sarili. Sinusubukan naming ayusin ang problema!" sigaw ng isang teacher na nasa unahan. What she said confirmed that there is danger.

At hindi nga ako nagkakamali. Napakabilis ng mga pangyayari. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang sigawan ng mga kaklase ko habang tila halos lumipad na ang bus dala ng pagkawala ng preno.

Mula sa kinauupuan ko ay nakita kong dire-diretso ang bus sa direksyong patungo sa isang bangin. Nagsimula maglandas sa aking mukha ang mga luha ko.

Napansin kong natataranta na rin ang katabi ko. Si.. Ken...

Kasabay ng walang kontrol na takbo ng bus ay naramdaman kong hinila ako ni Ken.

"K-ken.."

"J-jessica... I'm sorry.." 

Nakita kong may luhang umagos sa kanyang mga mata. 

"HOLD ON KIDS!

"NO!"

"SCREEEEEEEEEEEEEEETCH!"

***

Ingay ng mga taong nagkakagulo ang nakapagpamulat ng mga mata ko. Halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Saka ko lantg napansin na naiipit ako ng isang lalake.

Inilibot ko ang tingin ko. Puro dugo. Nababalot ng dugo. May mga umiiyak sa loob ng bus.

Naramdaman ko ang kirot ng noo ko. Nang sapuin ko ito, may dugo. Tumama ang ulo ko sa nabasag na salamin ng bintana.

Naramdaman kong kumirot ang balikat ko. Kaya muli akong nagbaba ng tingin.

Perfectly Possible ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang