Chapter 48

4.2K 123 12
                                    

Jessica's POV

"Wala ka bang balak bumangon, Lianne?" Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang iritadong mukha ni Daddy ang nakita ko.

"Bakit Dad?" mahinang tanong ko.

"Halos 30 minutes na kitang ginigising tapos yan ang sagot mo saken. Wala ka gang balak bumangon? Alas kwatro na ng hapon. Akala ko ba prom niyo na mamayang 7?"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Dad kaya agad akong napalingon sa orasang nasa bed side table ko. At tama nga ang daddy ko, alas kwatro na.

Pero sa halip na mataranta eh napangiti na lang ako. Paano ba namang hindi ako mapupuyat eh pagkatapos ng date namin kagabi ni Ken, pag uwi ko eh nagpalitan pa kami ng text messages, at hindi lang yun, tumawag pa siya. Kaya ayun,inabot kami ng madaling araw.

"Okay lang Daddy. Babangon na po ako. Dad prepare mo na ako ng food, bababa na ako. Please."

"Okay. Ikaw talagang bata ka."

"Thank you Daddy!" Pagkatapos nun eh lumabas na ng kwarto si Daddy.

Pagkatapos kong kumain eh aalis na ako at pupunta ng salon.

Bumangon ako at kinuha ang phone ko. Nang makuha ko ito eh dumiretso ako sa banyo, magsha-shower na ako, pero bago ako magshower, tatawagan ko muna si Ken.

Nang makapasok ako sa banyo ay  number mo ni Cha-cha ang una kong tinawagan sa halip na number ni Ken. At nang sagutin nito ang phone ay sigaw agad ang bumungad sa akin.

"Jessica! Ready ka na mamaya!"

"Sigaw ka ng sigaw! Hahaha! Kagigising ko lang." Inipit ko ang phone ko sa pagitan ng ulo at balikat ko, kailangan ko kasing maglagay ng tooth paste sa tooth brush gamit ang dalawa kong kamay.

"Ibang klase. Bat naman late ka na masyado nagising?"

"Kasi nag usap kami kagabi ni------OH SHIT!"

Halos panghinaan ako ng loob ng makita kong slowmong bumagsak sa timbang nasa harap ko ang phone ko. And what's worst! Punung puno ito ng tubig!

What the eff!

How stupid!

Agad agad kong kinuha ang phone ko at pinunasan ng towel ko. Pilit kong ini-o-on ito pero ayaw mag turn on!damn!

lumabas ako ng banyo at kinuha ang blower ko. Kinalas kalas ko ang phone ko. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nakalas eh. Pilit ko itong pinatutuyo gamit ang blower ko. At nang matapos ako after more than 15 minutes eh pilit ko na namang ina-assemble ito.

Damn.

Nang ma-assemble ko ang phone ko eh pilit kong binuksan and yes! AYAW NG GUMANA!

Perfectly Possible ✔️Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ