Chapter 42

4.4K 159 15
                                    

Jessica's POV

"Pupunta ako sa inyo this afternoon" Yan ang laman ng mensaheng natanggap ko galing kay Ken, ngayon pa lang.  Hindi ko na nagawa pang magreply dahil nahahati ang attention ko sa dalawang taong nagsasalita, sa Mommy ko at sa sister kong si Jerrica.

Kasalukuyan kaming magkakaharap sa mesa habang nagmemeryenda. At wala kaming ibang pinag-uusapan kundi ang masayang bonding ng mommy ko at ni ate sa Korea sa loob ng halos limang taon. Tama bang sabihin kong nag-uusap kami? Mukha kasing sila lang, hindi ako kasali.

Mababakas sa mukha ni Daddy ang saya na nakita niyang muli ang panganay niya. Pero ramdam kong tila nag-aalala sa akin si Daddy dahil madalas siyang tumingin sa akin. Ngumingiti na lang ako para ipakitang ayos lang ako kahit papaano... kahit ang totoo eh hindi, dahil nasasaktan ako... at naiinggit sa ate ko..

Limang taong wala akong Mommy. Naiinggit ako sa ibang batang may mga nanay na kasama nila sa bahay. Pero kasalanan ko na rin naman talaga ata kung bakit ganito ang nangyari sa amin eh, sa akin...

***

5 years ago...

"Saan tayo pupunta ate?" tanong ko sa ate ko habang naglalakad kami patungo sa park sa loob ng subdivision kung saan kami nakatira.

"Wag ka na ngang magtanong. May nakilala akong guy. He's so cute." kilig na kilig na wika ng ate ko. Bahagya nitong binitawan ang mga kamay ko at inayos-ayos ang kanyang buhok.

"Oh tapos?"

"Pssh. Dun ko siya nakilala sa park. Kaya pupunta tayo doon para magbike. Okay? Baka makita natin ulit siya." And then she giggled.

"Ate naman eh, hindi tayo ganoon kagaling magbike. Mapapagalitan tayo ni Mommy. Besides, napakadesperate mo naman ata para pumunta sa park para makita lang iyong guy.:" sagot ko.

"Ang dami mong reklamo. Edi wag kang sumama!Go ahead, umuwi ka na!"

"Ate----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumakbo na si ate palayo sa akin. Patungo sa direksyon ng park. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga eh matigas ang ulo ni Ate. Kapag sinabi niya, gagawin niya.

Close naman kaming dalawa ni Ate eh, may mga pagkakataon lang talagang nagbabangayan kami. but I love her so much at alam kog mahal na mahal din niya ako. Mas mahigpit nga lang si Mommy sa kanya. Sa bahay, mommy's girl siya at daddy's girl ako, pero kahit ganun, okay lang sa akin, alam ko namang mahal ako ng mommy ko, madalas niyang sabihin sa akin yun.

Napapailing na lang ako. Hindi naman ako pwedeng umuwi nang hindi kasama si Ate dahil hahanapin lang naman siya sa akin ni Mommy. Kaya naglakad na rin lang din ako patungo sa park. Sasamahan ko na lang ang ate ko sa kalokohan niya.

Ganito kasi kaming dalawa, gagawa ng kalokohan ang ate at lagi akong isinasama, kahit ako ang bunso, ako pa ang madalas na sumalo sa kanya para hindi siya mapagalitan ni mommy. Kaya ako ang madalas na pagalitan ni Mommy dahil akala niya, ako ang talagang gumagawa ng kalokohan. Ganyan kami eh. Okay lang naman sa akin.

Perfectly Possible ✔️Where stories live. Discover now