Chapter 45

4.9K 112 6
                                    

Jessica's POV

"Ano na? Nakangiti ka na naman? Mukha ka na namang timang friend." nang-aasar na wika ni Cha-cha habang naglalakad kami patungong classroom.

"Baka gusto mong ibahagi ang rason ng ngiting yan?" wika ni Gail

"Wala. Nagtext lang si Ken." sagot ko. "Black daw."

"Black?????" nagtatakang tanong ni Gail at Cha-cha.

"Hmm yes, black. Black daw ang kulay ng susuutin namin sa Prom natin." sagot ko.

Malapit na ang prom. At syempre, si Ken ang partner ko. Sino pa nga ba? Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Four months na kami ni Ken, going strong, forever in love.

Wala na akong mahihiling pa kay Lord. Ay meron pala, ang magtagal kami, at sana... Huwag ng matapos pa ang "kami", itong tinatawag na "kami".

Ang bilis lang ng takbo ng mga araw.

"Black kayo? Maroon naman kami ni Tristan." Ngiting ngiti si Gail, tila iniisip ang boypren niya ng mga oras na iyon.

"Ah, buti pa kayo, ready na. Ako kasi...well.. Yellow ata kami.." said Cha-cha.

Sabay kaming napalingon ni Gail kay cha-cha.

"Kami?????" Sabay naming tanong ni gail.

"Ha? Anong kami?" tanong ni Cha-cha.

"Sabi mo "yellow ata kami" di ba?" Tanong ko.

"H..ha? Wala akong sinabi niyan ha? Ang sabi ko, yellow ata ako."

"tama na nga ang pagde-deny mo Charice." wika ni Sharri.

"Oh? Nandito ka pala?" wika ni Gail. Kanina pa kasi namin kasama si Sharri pero hindi ito nagsasalita. Tila ba napakalalim ng iniisip.

Tinarayan lang ni Sharri si Gail.

"Woooah.. Period mo?" -Gail

"Period? Kalokohan. Ang sabihin niyo, may issue sila ni Gian kaya ganyan yan. Sinabihan ko na kasi, huwag sasakay, tingnan mo tuloy.."

"Tumahimik ka nga Cha-cha." Pagpuputol ni Sharri sa sinasabi ni Cha-cha.

Nagkatitigan naman kami ni Gail. Parehong nagtataka at napapaisip dahil sa sinabi ni cha-cha at dahil na rin sa kakaibang kilos ni Sharri. Almost one week na rin siyang ganyan, tila hindi siya yung kilala naming Sharri.

Nanahimik na lang kami ni Gail. Minsan kasi, hindi naman sa lahat ng oras eh kailangan naming kulitin si Sharri para sabihin sa amin kung ano ang problema niya, may mga oras rin na kailangan din nating pansamantalang igalang ang pananahimik ng isang kaibigan, antayin na lang na ito ang mag open up, kapag handa na ito.

Nang makarating kami ng classroom eh nagkahiwa-hiwalay na kami, syempre, kailangan na naming pumunta sa kanya kanyang upuan.

Maya-maya pa ay pumasok na ang teacher namin. Nagkaroon kami ng class discussion for one hour and after that, our school principal called an urgent meeting for all juniors and seniors studes na gaganapin sa function hall.

Perfectly Possible ✔️Where stories live. Discover now