Chapter 13

12.2K 208 63
                                    

 Jessica's POV

Monday. As usual eh kailangan na namang pumasok sa school, obligasyon at responsibilidad eh, no choice. Habang naglalakad ako papuntang classroom eh obvious na pinagtitinginan na naman ako ng mga kapwa ko estudyante. Paano naman kasi eh talagang nakatutok saken ang mga mata nila. Bakit kaya ganito ang ibang students rito? Akala mo eh bihira lang makakita ng tao.


Ang boring. Super. Sana andito na si Rona. Pang alis ng boredom ang bruhang yun eh. Miss ko na siya.

Kailan kaya ang uwi ng babaeng yun nuh? Hindi naman kasi sinasabi ni directress kung hanggang kailan sa Korea sina bespren, tsk.

Konting step na lang eh nasa room na ako. Mula sa distansya ko eh maririnig ko ang hagikhikan ng tatlong Dyosa.

Yeah. DYOSA.

Dyosa raw ang tawag sa kanila. According to them, kung sa kwento ng buhay ko ay may Rassy and the Lamok friends, mas lalong meron daw Jessica and the DYOSA friends. I'm referring to Sharri, Chacha and Gail. Sa tinagal-tagal ko rito sa academy, ngayon ko lang napansin na iba rin ang closeness ng tatlong ito. At may pagkakaparehas sila sa iisang bagay..


Pare-parehas silang BALIW.

"Grabe yung mga eksena nung Friday nuh? Haha!." sabi ni Chacha na tuwang tuwa. Yung tawa niya eh akala mo'y wala ng bukas. 


"Sinabi mo pa. Haha. Ang saya kaya. Para tayong mga paparazzi. Buti na lang at di tayo nahalata. Haha." sabi naman ni Sharri na tuwang tuwa rin sabay apir kay Gail.

Paparazzi?

Ano bang pinag-uusapan ng mga ito?

Andito na ako sa harap ng pinto pero hindi muna ako tumuloy. Nacurious kasi ako sa pinag-uusapan nila. 


"Hahaha. In fairness, nag enjoy ako sa lakad natin last friday." said Gail.

Saan kaya pumunta ang tatlong ito?

"Oi Gail, naka-on na yung bluetooth namin ni Chacha oh" sabi naman ni Sharri.


"Oo nga." - chacha

"Oh eh ano naman kung nakabukas bluetooth niyo?" sabi ni Gail.

Grabe lang ha? Hindi ako makarelate sa pinag uusapan ng mga 'to. Actually, sila pa lang ang tao sa room. Maaga pa kasi. Mga early birds.

"Boba. Malamang naman eh magpapapasa kami sayo ng video. Duh!" maarteng sabi ni Chacha.

"Anung videos? Mga porn ba? Wala ako nun Chacha eh. Download ka na lang ha----ARAY NAMAN EH!"

Natawa ako. Paano naman kasi eh sinabunutan ni Sharri si Gail.

"Tanga lang Gail? Ipasa mo na kasi yung video. Wag ka ng mang asar."

"Eh seryuso nga, alin bang videos. Wala sabi akong---HEP HEP! SASAPAKIN NIYO NA NAMAN AKO. ALIN BA KASING VIDEO." sigaw ni Gail na halatang iritado na. 

"Ang slow mo Gail!"

"Pasensya naman Sharri. Alin nga kasi?"

Grabeng mga babaeng 'to.


"Yung video nila!"
"Nino??"
" Nila Ken at Jessica!" sabay pang sabi nila Chacha at Sharri.

Teka?

Video nino raw??

Tama ba ako ng narinig?

Perfectly Possible ✔️Where stories live. Discover now