Chapter 31

5.5K 147 26
                                    

Jessica's POV

Almost 5:00 PM na nang makabalik kami sa hotel. Masyadong nag-enjoy ang mga seniors sa view ng Mt. Mayon kaya matagal bago naisipang magsipagbalikan sa Hotel Room.

Bawat groups ay nasa kani-kanila ng rooms. Kami ring magka-kaibigan ay naririto na rin sa aming kwarto. Masayang nagku-kwentuhan sina Cha-cha at Sharri habang tinitingnan sa kanilang mga camera ang mga larawang nakuha kanina sa Cagsawa.Sa isang sulok naman ay masayang naglalaro ng pusoy sina Gail, Tristan at Gian.

Nakangiting napapailing na lamang ako. Napakasimple ng kaligayahan ng mga kaibigan ko. Napatitig ako sa mirror na nakadikit sa wall ng kwarto.

Maganda naman ako. Kahit simple lang akong mag-ayos, may ibubuga ako. Matalino ako. Maraming nagkakagusto sa akin. Ang tulad kong mga babae ang siyang dapat iniiyakan.

Hindi dapat ako umiiyak nang dahil sa isang lalake kahit gaano ko pa siya kamahal.

Hindi ko dapat siya iyakan. 

 Kailangan kong ngumiti dahil mas maraming taong gustong makita akong nakangiti.

Ngiti lang Jessica.

Ngumiti ako sa harap ng salamin at inayos ng konti ang aking buhok nang mapansin kong mataman akong tinititigan ng mga kaibigan ko.

They're looking at me like they're seeing some kind of an  alien.

"Now, tell me, what's with that kind of look or should I say stare?"

"Nakangiti ka ah. Bakit?" nang-iintrigang tanong ni Cha-cha.

"Masama bang ngumiti?" sagot ko.

"Hindi. Pero kailan ka pa naging ganyan? Medyo nasasanay na rin kasi kami sa horror face mo eh." said Sharri.

"Guys, ano ba naman kayo. Nakangiti lang si Jessica eh iniintriga niyo na."

Nakangiting bumaling ako kay Gian. "Thank you, gian. Mabuti ka pa."

"Siguro, may nangyaring good, ano?" wika ni Gail.

Perfectly Possible ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora