Chapter 12

11.3K 241 88
                                    

Jessica's POV

Andito na ako ngayon sa bahay. Pagkauwi ko galing sa school kanina eh agad akong dumiretso rito sa kwarto. Hindi ko nga nadatnan si Daddy. Asan kaya siya?

Nakahiga ako ngayon sa aking kama. Hanggang ngayon eh iniisip ko pa rin ang mga nangyari sa school kanina, ang ginawang pag-a-announce ni John Paul sa harap ng student body after flag ceremony about sa panliligaw niya saken at ang mga cheesy funny pick up lines ni Ken sa canteen.

Hindi ko mapigilan ang akong sarili na huwag mapangiti. Paano naman kasi, sa ilang taon kong stay sa Swiss Academy, given na ang katotohanang nagkaroon ako ng pagkarami-raming crushes at pagkarami-raming manliligaw, pero hello? Ngayon ko lang naranasan ang kiligin ng ganito.

Si John Paul Ramirez. Classmate ko since first year. Crush ko. Tapos ngayon, nanliligaw na saken.

Si Ken Fuentes. Lalakeng aksidenteng nakita ko ang profile dahil isang malikot na click ng mouse habang nagfi-facebook ako. Ang handsome guy na dahilan ng pagtili namin ni Rona dati. Ang lalakeng naging instant crush ko na taga-Korea. Tapos biglaan na lang eh naging classmate ko. Tapos ngayon, nanliligaw na rin saken.

Sino kaya sa kanila ang dapat kong piliin? 

Tae. Ang ganda ko. Nakaka-stress rin pala ang sobrang kagandahan. 


Tumayo ako at kumuha ng cupcake sa food cabinet ko na nasa loob lang ng kwarto ko. Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng room.

Ano kaya ang magandang gawin?

Tapos nakita ko yung laptop ko na malungkot na nakapatong sa bedside table ko.

Tama! Mag-o-online na lang ako.

Agad-agad kong kinuha ang laptop ko at binuksan. Refresh refresh. Connect sa WIFI. Bukas ng browser. Punta sa facebook.com. And then

892 notifications?!

867 friend requests?!

412 messages?!

Di ba ganito rin yung kay bespren dati?!

At dahil sa wala rin lang din akong ginagawa eh ipinatong ko muna saglit sa kama ko ang laptop ko at kumuha ng mas maraming food sa kusina.

Gagawin kong career ang pagfi-facebook ngayong hapon dahil wala naman akong ginagawa, walang assignments, plus, Saturday naman bukas!

Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng cupcakes, juice in can, lumpiang shanghai, siopao at siomai and viola! Hindi ako patay gutom, nagkataon lang na marami kaming foods so why not savor the pleasure right? 

Bumalik ako sa kwarto ko, umupo sa kama at ipinatong ang laptop sa lap ko. Sinimulan kong lantakan ang mga pagakaing dala-dala ko. At the same time, sinimulan kong i-check ang mga pop ups ng facebook ko.

Perfectly Possible ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora