Chapter 33

5.6K 159 37
                                    

Jessica's POV

"Alam niyong ayoko niyan!" Iyon agad ang sigaw ko matapos akong kaladkarin ng mga kaibigan ko dito sa tower ng Embarcadero de Legazpi kung saan nakalagay ang starting point ng zip line.

Nandito kami ngayon sa Embarcadero de Legazpi, isang kilalang pasyalan slash mall na nakatayo sa tabing dagat. Hindi lang ang pamamasyal ang maaaring i-enjoy sa lugar na ito, maging ang view ng dagat ay maaaring gawing libangan. So, in here, everyone enjoys not just the place but also the beauty of the ocean. Dito napiling magpunta ng directress namin.

Masaya na sana ako sa tahimik na paglalakad lakad at pagtingin tingin sa mga souviners shop nang bigla na lang ay kaladkarin ako ng mga kaibigan ko. At laking gulat ko nang dito nila ako dalhin sa tower para mag-zip line!

Hindi ko trip ang zip line!

Tumitingin palang ako sa baba, eh nahihilo na ako. Pakiramdam ko, anytime ay mabubuwal ako at malalaglag sa dagat.

"Ano ka ba naman Jessica! Ang KJ mo! Masaya kaya ito!" Singhal sa akin ni Cha-cha.

"Oo nga naman Jessica. Ang korni mo naman. Alam mo iyong tinatawag na jamming? Tsk. Tsaka, hindi naman tayo tatalon nuh, may tali po kaya." dagdag pa ni Sharri. Hah, kahit anong sabihin nila eh ayaw ko pa rin.

"Hindi ko nga kasi kaya, ang kulit niyo naman." Wika ko.

"Hindi kaya? Bakit? Nasubukan mo na ba?" tanong naman ni Gail na tila inis na inis na sa akin.

"Hindi pa. Hindi ko pa iyan nasusubukan."

"Oh, iyon naman pala eh, paano mo nasabing hindi mo kaya samantalang hindi  mo pa naman pala nasusubukan. Mukha kang tanga."

Napasimangot ako sa sinabi ni Gail. Medyo harsh din manalita ang isang ito. Kainis lang ha.

"Basta, ayoko nga."

"Eh kung itulak kaya kita jan Jessica at ng mahulog ka na lang ng walang tali------"

"Eh kung ikaw ang unahin ko, Cha-cha?"

Napalingon kaming mga girls sa nagsalita at sa bagong dating. Agad namang napasimangot si Cha-cha sa sinabi ni John paul. Kasama ni John Paul sina Ken, Gian, at Tristan. So, bale walo na kami dito sa tower.

"Kanina pa namin kayo hinahanap, nandito lang naman pala kayo." Wika ni Ken na ngumiti lang sa akin. Nakita ko namang tila nagulat si John Paul nang gantihan ko ng ngiti si Ken. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Hay.. Kailangan ko ng makausap si John Paul para malaman niyang binibigyan ko ng chance si Ken na bumawi sa akin.

"Hinila kasi ako ng mga babaeng ito dito." sabi ko habang nakasimangot. Masakit rin makaladkas pataas sa tower ha?

Lumapit naman si Ken sabay.... Sabay hawak sa aking kamay. Kailangan talagang hawakan ang kamay ko? >

"Nasakatan ba ang mga kamay mo?" he said while gently holding my hands. 

Ano ba?

Ken.. bakit ang galing mo.. ang galing mong magpagulo ng takbo ng puso ko?

Bigla na lang ay tumikhim si John Paul. Iyong tikhim na tila ba nagsasabing "excuse me, nandito kami". 

Lumingon lang si Ken si direksyon ni John Paul pero hindi binitawan ang kamay ko. Nagsukatan ng tingin ang dalawang gwapong lalakeng nasa harap ko.

Perfectly Possible ✔️Where stories live. Discover now