Chapter 43

4.8K 142 17
                                    

Jessica's POV

"Baka may gusto kang ikwento." Iyan agad ang salubong sa akin ni Cha-cha nang dumating ako ng classroom.

"Oo nga naman." Dagdag pa ni gail.

"What do you mean?" Naupo ako sa tabi ni Sharri. Nakapikit lang ito habang nakapasak sa magkabilang tenga ang earphones.

"Bakla ka talaga. Ikaw yng kaibigan namin, kaibigan mo kami, tapos di ka nagkukwento." wika ni Cha-cha.

"Umuwi na pala ang evil sister mo." Said Gail.

"Hindi siya evil." Iyon lang ang sagot ko. Inilibas ko ang cellphone ko na agad rin namang inagaw sa akin ni Cha-cha.

"No phones." Wika nito. "Hindi nga siya evil. Sabagay, hindi naman pagiging evil ang sabihin niya sa parents mo na kasalanan mo ang nangyari sa kanya few years ago. Right?" Saracastic ang pagkakasabi nito.

"Paano niyo nalaman na nakauwi na sila?"

"Kay ken." Said Gail. "Nag-aalala kami sayo dahil kahapon eh nagmamadali kang umuwi, tapos hindi mo kami nirereplyan, kaya tinanong namin ang syota mo."

"Ah, i see."

"So anong plano mo?"

"Plano saan?"

"Nabasa namin sa post ng ate mo sa facebook na crush nito si Ken. Ibang klase rin ang ate mo, ano? Walang hiya pagdating sa pagdi-deklara ng feelings. Tsss. At boyfriend pa ha? At hindi man lang inisip na pampublikong lugar ang facebook. Susmiyo."

"Hayaan niyo na. Hinahayaan ko na lang."

"Yan tayo eh, porke ate mo. So, okay lang sayo kung agawin nun sa iyo si Ken?" Tanong ni Cha-cha.

Aagawin sa akin si Ken?

"Hindi niya kailangang magworry tungkol sa bagay na iyan. Alam niyang mahal ko siya, siya lang, at tanging siya lang."

Napalingon kami sa bagong dating, si ken at nakangiti ito sa akin. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Good morning, princess."

"Good morning, ken."

"Seeing the two of your right now, tama nga naman si ken, hindi mo kailangang mag-alala, mukha namang baliw na baliw na sa iyo ang koreanong hilaw na ito." Said Cha-cha.

"Hindi naman yan koreanong hilaw." Said Gail na natatawa.

Perfectly Possible ✔️Where stories live. Discover now