Jessica's POV
Ang bilis ng mga pangyayari. Kahapon, nandito pa sa bahay sina ate at mommy, pero ngayon, wala na. Pagkatapos ng naging eksena dito sa bahay kahapon ay nabuksan ang lahat ng lihim ni daddy at ng babaeng kinilala kong ina sa loob ng pagkahaba-habang panahon.
Noon, nainlove si Daddy sa babaeng nagngangalang Nathalia who happens to be my real mom. Best friend naman ni Daddy si mommy Elizabeth, ang mommy ni ate jerrica.
Minahal ng daddy ang mommy Nathalia ko at alam iyon ni mommy elizabeth. Kaya lang, maraming pagsubok ang dumating sa relasyon nila. Dumating sa puntong tumutol ang parents ni Nathalia sa relasyon nila ng daddy ko. Naging mahina ng mga panahong iyon si daddy, at sinamantala iyon ni Mommy elizabeth na matagal na palang gusto ang daddy ko. Hindi na ikinuwento sa akin ni Daddy ang mga pangyayari, ang sabi niya lang ay naging mahina sya at ang tanging naging sandalan niya ng mga panahong iyon ay si Mommy Elizabeth.
Pagkatapos ng matagal na pag-iisip ay napagpasyahan ni daddy na ipaglaban ang tunay na mommy ko. Hanggang sa nagtagumpay ng siya. Dumating sa punto na sabay nilang hinarap ang mga magulang nito at nagmakaawa. Laking tuwa naman nila nang sa wakas ay pumayag ang mga magulang nito.
Niyaya niyang magpakasal si Mommy ngunit ng araw na pumayag ito ay dumating si elizabeth dala ang isang hindi ganoon kagandang balita, buntis siya at ang ama ay ang daddy ko.
Labis na nasaktan ang Mommy nathalia ko at nakipaghiwalay kay daddy. Wala namang naging pagpipilian ang daddy kundi ang panagutan ang ipinagbubuntis ng besfriend niya.
Nang maikasal sila ay ginampanan niya ang pagiging asawa kay elizabeth alang-alang sa anak. Pinilit niyang mahalin ito, sa kabilang banda, nanatiling tahimik si nathalia at pinilit na ipagpatuloy ang buhay kahit labis ang sakit na nararamdaman.
Isang taon na ang batang si Jerrica nang malaman ni Daddy ang totoo. Hindi niya ito tunay na anak. Nalaman niya iyon ng magkasakit ito at mangailangan ng dugo, nagpa-DNA test sila at nagmismatch. Doon na nabuo ang hinala niya kaya nagimbestiga siya, hanggang sa nalaman niya ang totoo, na hindi niya anak ito.
Simula noon ay nasira ang samahan nila ni Elizabeth, at simula din nun, kahit mali... Muling nakipagkita ang daddy sa mommy nathalia ko, sa babaeng tunay niyang mahal, at nagkaroon sila ng relasyon.
Doon ako nabuo. Natuklasan naman ni mommy elizabeth ang totoo pero ayaw nitong makipaghiwalay kay daddy. Ang nasa isip nun ni daddy ay ang makipaghiwalay na sa kanya at ipagpatuloy ang buhay kasama ang babaeng tunay niyang minamahal. Ngunit tila naging masyadong malupit ang tadhana sa kanila, nang ipanganak ako ni mommy nathalia, binawian siya ng buhay....
At doon nagsimula ang lahat... Iniuwi ako ni daddy sa bahay. Nag usap sila ni mommy elizabeth na susubukan ulit ang lahat alang alang sa amin ni ate jerrica, para lumaki kaming may mga magulang...
**************
Kasalukuyan akong nandito sa classroom at sa tuwing maaalala ko ang nangyari kahapon, hindi ko mapigilang huwag mapa-buntong hininga.
YOU ARE READING
Perfectly Possible ✔️
RomanceCrazy one day her crush from the other side of world appeared right in front of her. She can't even possibly think how the hell is this possible. Read more to find out.