"Matagal na kamong tumigil si John Paul sa panliligaw saken dahil alam niyang si Ken ang mahal ko.." mahinang sabi ko..
Natulala naman ang tatlo dahil sa sinabi ko pero si Sharri ang unang nakabawi.
"Teka lang ha? Teka.. Ano yung nalaman ni John Paul na naging rason para tumigil na siya sa panliligaw sa'yo? Baka kasi mali lang ang narinig ko."
Nagsimula akong manuklay ng buhok..
"Nalaman niyang si Ken ang mahal ko.."
"Sandali.. Wait ha? Parang mali yata yuing narinig ko.. Sinong mahal mo???" tanong naman ni Gail..
"Si Ken.. Si ken ang mahal ko."
"Excuse me today the next day and after the next day pero feeling ko nabingi ako.. Teka.. Ano mo si Ken..?" Si cha-cha naman ang nagtanong.
"Mahal ko si Ken.."
Tapos nagkatinginan silang tatlo sabay.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAH! SA WAKAS! KYAAAAAAAAAAH!"
As in super sabay sabay silang sumigaw,
"Salamat naman at na-realize mo yan Jessica. Hahahaha" said Gail na umakbay sa amin.
"Akala naman namin eh wala ka ng planong tanggapin ang truth na may gusto ka kay Ken.." sabi naman ni Sharri.
"Eh sa bago sa akin ag ganitong feelings kaya natagalan akong ma-realize. Pasensya naman.." sabi ko.
"Apology accepeted. Now, alam mo ba ang dapat mong gawin?""Dapat kong gawin?" tanong ko.
"Oo! Dapat mong gawin!"
"Ano?"
"Edi ang sagutin siya! Hello???" say ni Gail na ikinukumpas kumpas pa ang mga kamay niya.
"Paano ko siya sasagutin eh hindi naman siya nagtatanong.." sabi ko.
Tapos napatingin naman sa akin yung tatlo, yung para bang may mali sa sinabi ko.
"Kailangan pa ba talagang tanungin ka niya?" - Gail
"Hindi ba pwedeng ikaw na mismo ang magkusa na magsabi sa kanya na mahal mo na siya?" - Sharri
"Ikaw na lang maunang magsabi at ng maging kayo na. " - Cha-chaWhat?!
"Ha? Bakit? Bakit ako ang dapat mauna magsabi?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.
"Sis, mutual naman ang feelings niyo. Mahal ka niya, mahal mo rin siya. Why not confess para shoot sa banga. Para kayo na diba?" - Gail
"Bahala ka. Sige ka, baka magbago ang isip niya" - Cha-cha
Bigla akong napatingin kay Cha-cha.
"What do you mean na baka biglang magbago ang isip niya?" tanong ko.
"Malay mo sis, hmmmm.. Malandi ng iba."
Bigla akong napaisip.
Oo nga naman.
Haaaay.
Pero wala naman atang masama kung pasimpleng sabihin ko sa kanya ang totoo di ba?
"Sige.. Susubukan kong sabihin" sabi ko at ngumiti.
Masayang lumapit sa akin ang mga kaibigan ko.
"Finally, our friend here is on love.." said Cha-cha tapos niyakap ako nilang tatlo.
*****
It is almost 10:30 PM nang maisipan kong lumabas ng classroom. Halos lahat kasi ng mga kapwa ko students eh nasa labas pa ng headquarters, masyado ata silang nag-eenjoy sa mga booths.
Samantalang ang mga Dyosa naman eh naiwan kong natutulog sa headquarters.
Asaan kaya si Ken?
Napangiti ako ng maalala ko yung pagkanta nilang apat sa auditorium.
Pero nasaan kaya siya ngayon? Pagkatapos ng musical play competition kanina eh hindi ko na siya nakita.
Hindi ko alam pero parang may sariling isip ang mga paa ko na magpunta sa academy's playground.
Tutuloy na sana ako sa may swing ng halos panghinaan ako ng loob ko.
Yung tipong ayaw gumalaw ng mga paa ko.
Si Ken at si Rassy, magkatabi sila sa swing. May hawak na envelope si Ken at nakayuko dito.
Ang tagal na hindi umepal sa amin si Rassy. Pero bakit sila magkasama ngayon?
Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi naman nila ako makikita dahil madilim sa bahaging kinatatayuan ko.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Ken. At mas nagulat ako ng tumayo si Rassy at yakapin ito.
Hindi naman umangal si Ken sa yakap na ibinigay ni Rassy.
"I told you Ken.." said Rassy.
Para akong nanghihina sa nakikita ko.
Pero dapat bang bigyan ko ng malisya? Baka... Baka naman may pinag-uusapan lang sila.
ESTÁS LEYENDO
Perfectly Possible ✔️
RomanceCrazy one day her crush from the other side of world appeared right in front of her. She can't even possibly think how the hell is this possible. Read more to find out.