Chapter 40

4.8K 159 14
                                    

Jessica's POV

Nakaupo lang ako sa kama ko habang tinitingnan ang lahat ng larawang nakuha ko sa trip namin sa Bicol. Mga larawang kasama ko ang mga kaibigan ko at si Ken. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagngiti. Bawat larawan namin ay nagpapakita kung gaano kami naging sobrang saya sa trip na iyon.

Biglang tumunog ang phone ko, may natanggap itong mensahe. Saglit kong binitawan ang camera at inabot ang cellphone ko na nakapatong lang sa bedside table. Hindi nga ako nagkamali, one message received. At nang basahin ko, galing kay Ken.

From: My Ken

See you soon.

See you soon? Sa Monday? Natawa na lang ako. Lunes pa nga kami magkikita. Sabado ngayon at walang pasok. Agad akong tumipa ng sagot ko.

Message:

Yeah. See you on Monday.

Wala pangdalawang minuto ay muli itong nagreply. At ang sagot nito auy "No."  at saka isang smiley. Nagtaka naman ako. Bakit naman hindi? Agad akong sumagot ng "what do you mean?" pero hindi na si Ken nagreply pa.  Baka abala.

Biglang may kumatok ang sa pinto ng kwarto ko. Pagkatapos niyon ay bumukas ito at pumasok ang daddy ko. Tumabi naman si Daddy sa tabi ko at pinagmasdan ako.

"you look happy, Jessica." Natawa naman ako sa sinabi ng Daddy ko.

"Dad, you know that I'm always happy."

"Not really, nang umalis nga si Rona ay hindi maipinta ang mukha mo. Is my daughter in love?" 

Nagulat ako sa prangkang tanong ni Daddy pero hindi ko ito sinagot. Rather, iniba ko ang usapan. Hindi ko kasi alam kung paano ba sisimulang sabihin na oo, na may boyfriend na ako.

"Nag-enjoy lang ako sa Bicol." Tila naniwala naman ang Daddy ko sa sinabi ko at angtanong ito ng kung anu-ano tungkol sa bicol. Sinasagot ko naman ang bawat tanong niya ng sa gayon ay makalimutan na nitong tuluyan ang unang itinanong sa akin. Maya-maya pa ay may narinig kaming kumakatok mula sa labas, I mean galing sa first floor. Ang room ko kasi ay nasa second floor.

"Daddy, may kumakatok po."

"Oo nga. Pupuntahan ka muna."

"Ah, dad, pwede magrequest?"

"Yes, what is it?"

"Tinatamad kasi ako Daddy bumaba eh, medyo pagod ho kasi ang katawan ko. Pwede po bang magpadala na lang ng kahit anong pagkain dito? Please!"

Ngumiti lang ang Daddy ko. "sure."

"thank's Dad!"

Pagkatapos nun eh bumaba na ang Daddy ko. Nahiga na lang ako sa kama ko at ipinagpatuloy ang ginagawa kong pag-i-scan ng mga photos sa camera ko, pinipili ko kasi ang mgqa i-a-upload ko.

Habang pinagmamasdan ko ang mga pictures na laman ng memory ng camera ko eh hindi ko maiwasang ngumiti, paano naman kasi eh nakakatuwa ang mga photos namin. Mas lalo akong natawa ng makita ko ang sunud-sunod na selfie photos ni Cha-cha. Naalala ko, nang minsang malowbat ang camera ni Cha-cha ay hiniram nito ang cam ko, kaya ipinahiram ko. Kaya heto, punung-puno rin ng selfie photos ni Cha-cha ito at..

Perfectly Possible ✔️Where stories live. Discover now