Chapter 1

21.7K 373 77
                                    

 Jessica's POV

“Jelai, tama na yan! Mali-late na tayo eh!”

“Bakit ba Jelai ang tawag mo saken? Jelai ka ng Jelai! Kapag ako napikon sa’yo eh susuntukin talaga kita, Rona!”

“Oh? Kailan ka pa naging bayolente,Jelai?' tanong ni Rona sa akin sabay halakahak ng malakas. Napailing na lang ako.

“Sabing tigilan ang kakatawag ng Jelai sa akin eh. Jessica Lianne nga!”

“Ang haba-haba kasi ng pangalan mo, besides, mas cute naman ang Jelai, ah? Mas maiksi, mas maganda!” sagot nito sa akin na ngiting-ngiti.

Gusto ko itong sabunutan. Ang kulit kulit kasi. Bakit ba kasi sadyang napakakulit na nilalang ng best friend ko?

Kaysa maubos ang pasensya ko eh nanahimik na lang ako at hindi na ito tiningnan. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong pagba-browse sa internet.  Abala ako sa pagfi-facebook. Isa ito sa mga libangan ko, pangpaalis ng boredom, at tamang pampalipas-oras. Tuwang-tuwa ako sa tuwing nagbabasa ako sa page ni John Lloyd Cadena  at tuwing makikita ko ang mga photos ng MGA crushes ko sa newsfeed. Crushes talaga as in plural, marami sila eh. At hindi niyo maaaring sabihing malandi ang isang babaeng marami ang crush, its normal, crush is paghanga, and having crushes is normal for teenagers like me, like you, and like others. Walang pakialamanan, kanya kanya tayong trip.

“Jelai! Tara na kasi! Late na tayo eh!” pangungulit na naman ni Rona sa akin. Hindi na ako nakatiis kaya tinapunan ko na ito ng masamang tingin.

“Ano ba Rona? Alam mo namang busy ako mag-facebook. Saan ba kasi tayo mali-late?!”

“Saan pa ba? Edi sa mall.”

Halos sumakit ang batok ko sa sagot ni Rona sa akin. At kailan pa naging school ang mall na pwede kang ma-late o required kang huwag ma-late? Kailan pa?

"Rona, huwag mong ubusin ang pasensya ko."

“Kasi naman Jelai, gusto ko na tayo ang mauna sa mall eh. Baka mabili ng iba yung gusto kong damit sa Oxygen.”

Tuluyan ng nasagad ang pasensya ko sa sinabi nito. May panguso-nguso pa itong nalalaman. 

“GUSTO MONG MAUNA SA MALL?! MY GOD RONA! 7:00 am PA LANG EH ANDITO KA NA SA BAHAY PARA LANG YAYAIN AKONG MAG-MALL?! AYOKO NGA!” pahiyaw kong wika dito. Ang babaeng ito kasi, kailangang hinihiyawan din para magtino.

“Sige na naman Jelai. Please,” wika nito. Tapos ang loka, nagpa-paawa sa harap ko.

Pwes, sabado ngayon at pahinga ko. Wala akong balak gawin maghapon kundi ang mag-browse sa internet at magpahinga. Hindi ako lalabas, at hindi ako gagala.

Perfectly Possible ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora