Chapter 35

5.7K 162 37
                                    

Jessica's POV

"Bakit kaya ngiting ngiti iyong isa riyan, ano?". Kahit punung-puno ang bibig ay nagagawa pang magsalita ni Cha-cha. Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal sa restaurant dito sa ground floor ng hotel. Kaharap ko sa mesa sina Sharri, Gail at Cha-cha. Wala ang mga boys, naiwang tulog pa sa kwarto, late na rin naman kasi kami natulog last night.

"Anong nakangiti? Nakabungisngis kaya. Ang sarap ngang hambalusin eh." Natawa ako sa sinabi ni Gail.

"Nakatawa ho." dugtong ni Sharri.

"Tigilan niyo nga ako." Alam ko namang ako ang pinariringgan nila. Masama bang ngumiti? Nakangiti lang naman ako dahil masaya ako ah.

"Okay lang naman ngumiti. Iyon eh kung sinasabi mo sa amin ang rason. AT least, alam namin kung bakit ka ngiting ngiti. Hindi namin iisipin na maaaring nababaliw ka na." -gail

"Bakit ka ba kasi ngiting ngiti?" Makahulugan ang pagkakatanong ni Cha-cha. Naniningkit ang mga mata nito at nakangiti ng mapanukso. "Ano bang nangyari kagabi?"

Pakiramdam ko eh namula ko bigla. Bigla kasing bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi..

Teka.. Wala namang nangyari di ba?

Ken and I just...

>\\<

"Oo nga naman, may nangyari ba kagabi?" Dagdag pa ni Gail.

"T..tigilan niyo nga ako. Ano naman ang mang.mangyayari ha?"
"Eh bakit nauutal ka? Siguro, may nangyaring maganda kagabi dahil ngiting ngiti ka!"

"Ano ka ba, cha-cha, wala ah. Kumakain ako kaya ako nauutal."

"Weh? Eh bakit ka ngiting ngiti?

"Dahil nag-eenjoy ako dito sa Bicol." wika ko at mas lalonh ngumiti para maconvince sila.

"Weh? Bakit nga?" tanong ni Cha-cha.

Ano ba yan, ang kukulit ah!

Masaya lang naman ako dahil... >\\<

"Masaya ako dahil kasama ko kayo. Masama bang ngumiti kung kasama kayo?"

"Convince us more, bakit ka nga ngiting ngiti mula pa kanina pagkagising mo?"

" makulit ka na Cha-cha ha? Masaya nga ako kasi------awwww. Bakit naman kayo nanabunot?!" Pakiramdam ko ay natuklap ang anit ko sa ginawang pagsabunot sa akin ng tatlo.

"Bakit ka nga kasi ngiti?" -cha cha

"Ilang beses ko bang sasabihin na masaya lang ako dahil------oo na! Aamin na! Huwag niyo na akong sabunotan." Akma na naman kasing sasabunutan ako ng tatlo.

"Now, speak." Swear, ang maldita ni Sharri.

"Dahil kay Ken. Masaya ako dahil okay na kami. Masaya ako dahil sigurado na akong mahal na niya ako. Masaya na ako dahil alam kong magiging masaya na rin ako for real. Masaya ako dahil kahit nasaktan niya ako, eto siya at bumabawi pa rin."

"Ah, akala ko pa naman masaya ka dahil sa kiss niyo kagabi." wika ni Cha-cha.

"Oo rin naman---------wait.. Kiss? Kagabi?"

"Yeah. Akala namin iyon ang rason kung bakit ngiting ngiti ka." Dagdag pa ni Gail.

Napalunok ako bigla at alam kong nag-iinit na ang mga pisngi ko.

"Na...nakita niyo?"

"Yeah. Kitang kita namin. Hindi pa kami nun tulog. Gusto nga sana namin kayong panoorin ng live kaya lang sabi nila Tristan at. gian, huwag daw. Kaya ayun, tinakpan nung dalawang lalake ang mga mukha namin ng kumot. Sayang nga eh, hindi namin nakita ng super live." Said gail.

Perfectly Possible ✔️Where stories live. Discover now