MUL 7

1.7K 49 7
                                    


Wala na akong nagawa kaya ngayon ay nandito kami sa harapan ng mansion at kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha.

"Wow! Di nga dito ka nakatira?"

"What do you think? Dito tayo pumunta di ba?"

"Sobrang ganda ng bahay n'yo Zafirah. Siguro masaya tumira sa ganyang bahay noh?"

"I don't know," I said as I shrug my shoulders.

"Sus pahumble effect pa 'to," panukso niya sa akin habang sinusundot sundot pa ko sa tagiliran.

"Alam mo halika na nga at ng makagawa na tayo ng project," yaya sa kanya pagkatapos ay iginaya ko siya papasok ng mansyon.

Mga ilang hakbang rin ang ginawa namin bago kami makarating sa loob.

"Wow! Sobrang ganda naman ng bahay n'yo Zafirah," sabi nito habang nililibot libot ang tingin n'ya sa bahay.

"Hey ate nandito ka na pala at sino 'yang kasama mo?" tanong ni Chela ng may pagtataka tapos tumingin si Kirsten kay Chela and as expected ay kita mo ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"Sandali, di ba ikaw 'yung apo nung may-ari ng Tan University. Si Clinton Tan at kapatid mo rin si Albert Tan," wika ni Kirsten habang nakaturo pa kay Zychela.

"Yep," sagot ni Chela ng nakangiti.

"Eh bakit nakatira kayo sa iisang bahay ni Zafirah?"

"Isn't it obvious? We're sisters," sagot ni Chela. May mas ikakagulat pa pala ang mukha ni Kirsten.

"Weh?"

"Didn't you notice parehas kami ng apelyido? Isa pa sabi nila magkamukha kami ni unnie."

"Oo nga noh pero ba't di kilala si Zafirah na apo s'ya ni Clinton Tan?"

"Tama na nga 'yan. Huwag n'yong pag-usapan ang buhay ko. At ikaw babae," wika ko sabay turo kay Zychela.

"Ako?" tanong nito ng nakaturo pa sa sarili niya.

"Hindi, ako. Ba't ka tumawag kanina? Bihira ka naman tumawag sa akin ah pwera na lang kung emergency."

"Wala 'yun ate," sabi nito ng naiinis.

"Wala daw."

"Wala nga. Heto naman kasi eh imbis nakalimutan ko na 'yung nangyari kanina naalala ko na naman tuloy," aniya ng naiinis. Ano ba kasi talaga ang nangyari?

"Taas na kami ni Kirsten ng makagawa na kami ng project," saad ko at tumango na lamang siya.

Nagtungo kami sa kwarto ko at nakita ko na inilibot ni Kirsten ang kanyang tingin habang kita mo sa kanya na sobra siyang namamangha.

"Woah! Ang cute naman ng kwarto mo, parang royalty."

"Well kung tingin mo pangroyalty na 'tong kwarto ko, ano pa kaya kung makita mo 'yung kwarto ni Zychela? Baka naman out of this world na 'yun?" sabi ko habang kinukuha ko 'yung mga kakailanganan naming gamit.

Maya maya ay nagsimula na kaming gumawa ng project. Nakaupo kami parehas dito sa sahig.

"Pero Zafirah hindi talaga ko makapaniwala na kapatid mo si Zychela Tan at Albert Tan."

"Eh di huwag kang maniwala."

"Tanong ko lang. Ba't nga walang nakakaalam na apo ka ni Clinton Tan?"

"Meron naman nakakaalam pero 'yung close friends ko lang and then 'yung close friends rin nila kuya and Chela also our other relatives at 'yung iba pang tao."

"Pero bakit nga? Huwag mong sabihing pa mysterious effect ka."

"Hindi ah. Ayaw ko lang kasi talaga ng attention at kung alam nila kung sino ako hindi ko na matatamasa 'yung tahimik na buhay na gusto ko. Ayaw ko kasi ng plinaplastic ako at ayaw ko rin na kinakaibigan lang ako dahil sa pera, popularity o dahil lang sa kapatid ako ng womanizer na si Albert Tan at fashionistang si Zychela Faye Tan."

"Ah kaya pala ayaw mo kanina na dito tayo gumawa ng project," aniya habang tumatango tango pa.

"Yep. Dahil ayaw ko na malaman mo 'yung totoong ako."

"Huwag kang mag-alala hindi naman kita kinakaibigan dahil sa mga sinabi mong dahilan kanina although ultimate crush ko 'yung kuya mo."

"Di nga? Crush mo 'yung abnormal na 'yun?"

"Oo pero huwag kang mag-alala crush lang naman eh," aniya kaya naman napatango na lamang ako.

Habang gumagawa kami ng project ay patuloy pa rin siya sa pagkwento. Hindi ata mauubos ang kwento ng babaeng 'to. Well, at least I am a good listener.

Xander's POV

Magkakasama kaming magkakaibigan dahil katatapos lang ng klase namin.

"Sige, mauna na kami Xander ha?" paalam ni Philip.

"Oo, susunod na lang ako," sabi ko sa mga kabarkda ko at nagsimula ng maglakad.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong pamilyar na babae na nakaupo sa bench at nagbabasa ng libro. Nilapitan ko ito at kinuha ko 'yung libro.

"Hey," reaksyon niya ng kunin ko 'yung libro.

"Hmm. The other side of midnight by Sidney Sheldon," basa ko sa titulo ng libro.

"Pwede ba? Give me back my book Mister," nakapameywang na wika niya.

"Xander, Ms Zafirah. Xander Henares."

"Pwes I don't care kaya kung pwede ba ibalik mo na sa'kin 'yang libro ko."

"Sa isang kundisyon."

"Ano 'yun?"

"Kiss muna," wika ko habang itinapik ang aking hintuturo sa aking pisngi.

"Baliw ka nga," aniya sabay iling.

"Eto naman si Ms. Drools oh papilit eh alam ko naman na gusto mo rin naman."

"Excuse me Mister Gender."

"It's Xander."

"Ok fine XANDER never akong nagdrools sa isang lalake noh at lalong lalo na sa'yo so if you don't mind akin na 'tong libro ko." Bigla niyang hinablot 'yung libro sa aking mga kamay.

Wow! Bilis ah.

"At aalis na ko dahil may demonyong umaaligid aligid dito," pagpaparinig niya at umalis na s'ya.

Napasmile na lang ako dun sa babaeng 'yun. Ewan ko ba pero napapangiti n'ya ako.

Napawi ang aking ngiti ng may makita akong multo sa aking nakaraan

....SOPHIE ALVAREZ.....

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon