Xander's POV
Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko 'yung kahapon. Di ko alam kung bakit nasasaktan akong hindi man lang ako hinintay ni Zafirah.Naglalakad ako ng biglang puntahan ako ni Sophie.
"Buti ok ka na," sabi ko sa kanya.
"Oo nga eh. Kaya naman nakapasok na ko ngayon tsaka malapit na ang midterms kaya di na dapat magabsent absent," sabi ni Sophie kaya naman tumango tango na lang ako ng biglang mahagip ng mata ko si Zafirah.
"Zafirah," tawag ko rito pero tumingin lang ito sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad kaya naman ako napakunot na lang ang noo.
"Sophie. Sandali lang ah," sabi ko at sinundan na nga si Zafirah.
Narinig kong tinawag pa ako ni Sophie pero di ko na lang pinansin.
Sinundan ko lang ng sinundan si Zafirah hanggang sa naabutan ko na nga ito. Pupuntahan ko na sana siya ng makita kong kasama niya si George at masaya pa siyang kasama ito.
"Kaya pala di mo na ako pinapansin dahil sa kasama mo," sarkastiko kong sabi dahilan upang mapatingin sa akin ang dalawa.
"Ano naman sa'yo?"
"Sandali nga Zafirah. Akala ko ba ok na tayo?"
"Akala ko rin naman Xander pero hindi pa pala."
"Ano bang problema?" tanong ko pero umiling lang ito at tinalikuran na ako at nagsimula na sa paglalakad.
"You better find out yourself what the problem is before its too late," sabi ni George at sinundan na nga si Zafirah.
Sa totoo lang wala akong naiintindihan.
Ano ba talagang nangyayari?
Isa lang ang alam ko. Dumoble ang inis ko ng dahil sa nangyari ngayon.
"Mukhang pinagpalit ka na ata ng girlfriend mo Xander ah," saad ni Sophie ng makatabi sa akin.
"HIndi naman siguro. Hindi magagawa 'yun ni Zafirah."
"How sure are you? Ikaw mismo ang nakakita na mas pinili niyang makasama 'yung George na 'yun kesa sa'yo."
"SINABI NA NGANG DI MAGAGAWA 'YUN NI ZAFIRAH EH," napaatras si Sophie ng marinig akong sumigaw.
"Sorry. Ikaw kasi."
"H-hindi na kita kilala," sabi ni Sophie at tumalikad na't umalis na.
Great! Just great!
Ano bang nangyayari sa akin?
Hindi naman ako ganito dati. Pakiramdam ko may mali na sa akin kaya lang di ko maintindihan kung ano.
Zafirah's POV
Kasama ko ngayon si George at nandito kami sa ala cafe."Halatang galit ka talaga kay Xander noh."
"Hindi lang galit. Galit na galit. Ikaw ba naman paghintayin tapos di naman pala darating. Buti pang di na lang siya nangakong darating siya kung di naman pala. Porke't kasama niya si Sophie nakalimutan na niya ako."
"Magfrappe ka na nga lang at baka mabawasan 'yang init ng ulo mo."
"Buti pa nga," sabi ko at ininom na nga ang frappe.
"Alam mo dapat kasi diyan sa boyfriend mo binibigyan ng leksyon."
"Hayaan mo na nga siya."
"Alam mo ang bitter mo."
"Ganun talaga."
Xander's POV
Tapos na 'yung klase ko at alam kong tapos na rin 'yung klase ni Zafirah. Naisipan ko sana siyang puntahan ng makita ko siya pero iniwasan na naman ako nito ng makita ako.Ayaw talaga akong makasama ni Zafirah. Minabuti kong pumunta na sa bahay nila Zafirah.
"Kuya Xander ikaw pala."
"Wala pa ba si Zafirah diyan?"
"Wala pa."
"Ganun ba. Hintayin ko na lang siya," sabi ko at pinapasok na nga ako ni Zychela sa bahay nila.
Nasa sala ako ngayon at higit kalahating oras na pero wala pa rin si Zafirah.
"Alam ko kuya bored ka na. Ito oh photo album ni ate. Pwede mong tingnan tingnan," sabi ni Zychela kaya naman kinuha ko na nga 'yung photo album.
Tiningnan ko nga 'yung mga pictures ni Zafirah at alam ko nung gradeschool niya pa 'to.
"Kailan 'to kinuha?"
"Ah 'yan. Grade 6 si ate nun."
"Ang inosente niya."
Maya maya pa ay natapos na ako sa pagtingin ng mga album.
"Wala pa ba ang ate mo?"
"Wala pa eh."
"Tawagan mo kaya o itext mo," sabi ko pero biglang nalungkot ang mga mata ni Zychela.
****
Lumabas ako ng mansion nila Zafirah para doon na lang sana ako maghintay ng makita kong masayang magkasama si Zafirah at George."Kaya pala panay ang layo mo sa akin dahil sa lalakeng 'yan."
"Ano naman sa'yo Xander? Tsaka ano bang pakielam mo?"
"Ikaw na nga 'tong hindi naghintay sa akin kahapon tapos ikaw pa 'tong may ganang lumayo sa akin. Di ko alam malandi ka rin pala."
"G*go ka ah," sabi ni George at sinuntok si Xander.
"Anong hindi hinintay? Para sabihin ko sa'yo saksi ako kung gaano ka katagal hinintay ni Zafirah pero ni anino mo walang dumating samantalang itong si Zafirah kahit ilang beses kong sabihan na umuwi na hindi umuuwi dahil nangako ka daw pero tinupad mo ba. Anong klase kang nobyo?" sabi ni George kaya naman napatingin na lang ako kay Zafirah pero naglook away lang ito.
"George una na ko," sabi nito kay George at pumasok na nga sa mansion nila.
Umiling lang si George sa akin ng makapasok na si Zafirah at umalis na rin.
Gusto ko sanang ipagtanggol ang sarili ko kanina. Gusto kong sabihin na 'dumating ako Zafirah' pero kahit anong gawin ko ako ang may mali.
Dumating man ako o hindi ang point naghintay si Zafirah sa wala.
Ilang beses akong napasabunot sa buhok ko.
Napakawalang kwenta mo Xander.
Napakawalang kwenta mo.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
JugendliteraturTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...