Zafirah's POV
Kasalukuyang nagbabasa ako ngayon dito sa ilalim ng isang malaking puno.
“Hi. Pwede bang makiupo,” napatingin ako sa nagsalita.
Hindi ko siya kilala at hindi ko pa siya nakikita sa campus na ‘to. Sabagay malaki ‘tong university kaya baka ngayon lang talaga kami nagkikita.
“Maraming pwedeng maupuan diyan. Ba’t dito pa?” tanong ko pero bigla na lang itong umupo sa gilid ng puno.
“Sa pagkakaalam ko hindi mo pagmamay-ari ang punong ‘to,” sabi nito pero hindi ko na lang siya inintindi at nagpatuloy na lamang sa pagbabasa.
“Hindi ko akalain mahilig ka palang magbasa Zafirah,” sabi nito dahilan upang matigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa kanya.
“ Paano mo nalaman ang pangalan ko?”
“Sikat ka dahil sa girlfriend ka ni Xander Henares. Ang Casanova ng campus.”
“Ganun ba,” sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa ko pero bigla nitong kinuha ‘yung libro ko.
“Ano bang problema mo?” singhal ko rito.
“Gusto ko lang naman tingnan ‘tong binabasa mo.”
“Pakielam mo bas a binabasa ko ah.”
“Masyado ka namang hyper,” sabi nito at binalik na nga ‘yung libro ko.
“George Portalopez at your service ma’am,” sabi nito at yumuko pa habang ‘yung kaliwang kamay nito ay nasa tiyan nito.
“Tigil tigilan mo nga ako.”
“Oo na. Sige alis na ko Zafirah. Huwag mo kong masyadong mamiss ah,” sabi nito at umalis na.
Sino naman siya para mamiss ko?
Tss. Ang ayaw ko pa naman ‘yung napakFC samantalang wala pa ngang sampung minuto kaming magkasama.
“Firah.”
“Ba’t ba ang hyper mo masyado Janina?”
“Ipapakilala kasi sa atin ni Marc ‘yung GF niya.”
“Hindi ko nga girlfriend ‘yun Janina. Ang kulit mo naman eh. Kaibigan. ‘Yun ang tawag dun.”
“Fine. Fine. Firah halika na,” sabi ni Janina kaya nga tumayo na ako at sumama na sa kanila.
“Hi. You must be Sandara?” tanong ni Janina.
“Ako nga.”
“You’re so beautiful. I’m Janina pala. One of Marc’s bestfriend.”
“Napakaganda mo.”
“Sandara huwag mong pinupuri ‘yang si Janina at baka mas lalong lumaki ang ulo,” sabi ni Marc.
“Aissh. Nakakainis ka talaga Marc,” sabi ni Janina at pinalo palo pa si Marc.
“Hoy tama na nga kayong dalawa. Daig niyo pa mga bata. Nakakahiya pa naman dito kay Sandara.”
“Hindi. Ok lang, nakakatawa nga sila eh. Miss. . . “
“Zafirah. Zafirah ang aking pangalan.”
“Are you related to Sir Clinton Tan and Albert Tan?” tanong ni Sandara kaya nagkatinginan kaming tatlo.
“Hindi. Hindi ako related sa kanila,” sabi ko kaya tumango na lamang ito.
“Sandara gusto mong magshopping mamaya?”
“Hoy Janina huwag mong idamay si Sandara diyan sa pagiging shopaholic mo.”
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Fiksi RemajaTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...