MUL 11

1.7K 44 15
                                    


Zafirah's POV

Kasama ko ngayon si Marc dito sa meteor garden. Tumatambay kami dito ngayon dahil parehas naming vacant.

"Balita ko mamaya ang screening sa writer's club. Magsscreening ka ba?"

"Hindi ko alam eh."

"Gaga ka pala, talaga Zafirah eh. Bakit naman hindi ka magsscreening?"

"Wala na rin namang pag-asa Marc eh. Di rin naman ako makakasali," mahina kong bigkas.

"So ganun ganun na lang 'yun Zafirah Mae Tan. Pagsusulat na nga lang alam mo kinatatakutan mo pa," wika niyang muli sa akin kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

"Hindi naman sa kinatatakutan."

"Eh ano? Takot kang hindi ka makasali. Parte na 'yun sa buhay Zafirah at least kung nagscreening ka malay mo may pag-asa hindi 'yung wala ka pa ngang ginagawa ay back out ka na agad. Ba't hindi mo gayahin si Janina? Pag gusto niya, gusto niya. Magau-audition 'yun kahit matalo pa at least nag-try siya."

"Magkaiba naman kami nun. Eh grabe naman ang confidence nung babaeng 'yun."

"Kaya nga sabi ko bigyan ka man lang ng kahit kaunti. Binibigyan ka nga ayaw mo namang tanggapin, ewan ko sa'yo Zafirah," wika niya habang umiiling iling pa.

"Eh sa di ko feel."

"Minsan nga nag-iisip ako kung bakit uber ka sa low esteem," aniya pero tumahimik na lamang ako.

Bakit nga ba? Siguro dahil naapektuhan ako kapag nakikita kong umiiyak si mama. Pumipirmi na lang ako sa tabi niya kesa makipaglaro. Hindi ko rin naramdaman na suportado ako ng pamilya ko sa mga nais kong gawin kaya siguro ganito ako ngayon.

Xander's POV

Naglalakad ako nung makita ko si Zafirah at hindi lang s'ya mag-isa aba may kasamang lalake ang girlfriend ko ah. Maya maya ay umalils na ang kasama niya at siya naman ay nagpatuloy lang sa paglalakad. Nagmadali ako upang masabayan ko siya.

"Di mo sinabi sa akin na may boyfriend ka na pala?" tanong ko sa kanya at s'ya naman ay napatigil at tumingin sa akin na may pagtataka.

"Oh ba't ganyan ka makatingiin?"

"Wala naman akong boyfriend eh."

"Ano 'yung nakita kong kasama mo na lalake kanina. 'Wag ka ng magdeny, ako lang naman makakaalam."

"Alam mo ba na marami ang namamatay sa maling akala. Hindi porke't may magkasamang lalake at babae ay sila na, hindi ba pwedeng magkaibigan lang muna?" sabi nito at nagpatuloy na sa paglalakad kaya ganun rin ang ginawa ko.

"Ok. I'm sorry, gwapong nilalang lang at nagkakamali rin."

"Wow! Taas ng tiwala mo sa sarili mo tsong."

"Syempre gwapo eh," sabi ko at nakita ko na lang siyang umiling.

Zafirah's POV

Nagptatuloy lang kaming dalawa sa paglalakad pero napahinto ako dahil sa aking narinig.

"Magis-screening ka mamaya sa writer' club?"

"Oo eh."

"Anong oras ba? Saan?"

"4:30 sa library," sagot nung kausap niya kaya ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakad.

"Bakit ka tumigil kanina?"

"Ah wala lang 'yun," sabi ko at hindi na rin naman siya nagkulit pa.

Naalala ko pa 'yung mga sinabi ni Marc sa akin kanina.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon