Nakatayo lamang ako't hindi man lang makagalaw habang sila ay nagmamadali ng dalhin si papa sa hospital.
Bakit siya hinimatay?
Maraming tanong ang nasa isip ko ngayon pero hindi ko masagot.
Ako na lang mag-isa ngayon dito sa sala.
Sila mama at Chela ay dinala si papa sa hospital kasama na rin ang ibang katulong.
Napaupo na lamang ako sa sofa.
Ano nga ba talaga ang nangyari?
Pati ako naguguluhan na.
****
Makalipas ang ilang oras ay dumating na rin si mama kasama si Zychela.Agad naman akong tumayo at sinalubong sila.
"Ano ho bang nangyari?"
"Anong nangyari? Ang nangyari ng dahil sa'yo inatake ang ama mo sa sakit niya sa puso."
"M-may sakit siya sa puso?"
"Oo. Sana nagtimpi ka na lang at sana hindi mo na lang siya pinatulan eh di sana wala siya ngayon sa hospital at kritikal ang kundisyon."
"H-hindi ko naman po sinasadya," sabi ko habang pinipigil ang pag-iyak.
"Hindi ako makapaniwala na ang sarili ko pang anak ang magiging dahilan ng pag-aagaw buhay ng sarili kong asawa," saad nito at nilampasan na nga ako.
Nagkatinginan kami ni Zychela pero agad naman nitong binawi ang tingin niya at nilampasan na rin ako.
Napangiti na lamang ako habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.
Maya maya pa ay napagpasyahan ko na lamang tumaas ng kwarto at dun muna magstay.
Hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.
Kung pwede nga lang kontrolin ko pabalik ang mga luha kong 'to kaya lang kahit anong gawin ko lumalabas at lumabas pa rin sila.
Nakatulog ako habang umiiyak at nang magising ako ay agad akong tumayo at lumabas ng kwarto ko.
Maggagabi na pala.
"Sila mama po?" tanong ko sa isa katulong namin.
"Umalis po. Bumalik po ng hospital."
"Ganun ba. Sige salamat."
"Buti naman at gising ka na," agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses at dun ko nakita si grandmamma na nakaupo.
Agad akong lumapit sa kanya para magbeso ngunit isang sampal ang ibinigay nito sa akin.
"Anong karapatan mong maging dahilan para mapunta sa hospital ang anak ko?" galit na tanong nito pero iyak lang ang naisagot ko rito.
"Inalagaan ko siya at minahal ng lubos lubos pero ng dahil sa'yo may tsansang mawala siya sa akin. Nang dahil sa pagiging walang modo mo."
"Hindi ko alam kung anong pagkukulang sa'yo ng anak ko para ganituhin mo siya. Ama mo siya Zafirah. Pinakain ka niya, pinatira, dinamitan, pinag-aral tapos ito ang igaganti mo sa kanya. Wala kang kwentang anak," saad ni grandmamma at umalis na nga.
Sanay na ako sa mga masasakit na salitang binibitawan ni grandmamma ngunit iba ngayon.
Triple ang sakit ngayon.
Kung naiintindihan niyo lang sana ako.
Pero hindi eh. Hindi.
***
Naisip ko na kailangan rin itong malaman ni kuya Albert kaya naman napagdesisyunan kong puntahan na nga ang bahay ni SC president Catherine ang bahay kung saan tumutuloy pansamantala si kuya.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Teen FictionTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...