“Oh Zafirah. Nandito ka rin pala,” napatingin ako sa nagsalita at ito ay si---
“George.”
“Mukhang may kasama ka ata. Xander di ba?”
“Oo. Ikaw sino ka?”
“Pinanganak ako bro. Hindi ako sinuka.”
“Woah pilosopo,” rinig kong bulong ni Xander.
“Um Zafirah makiupo ako dito sa tabi mo ah," sabi ni George at umupo na nga sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Sinong may sabi sa'yo na pwede kang umupo diyan?" tanong ni Xander.
"Wala namang nagsabi sa akin na bawal akong umupo dito. Tsaka isa pa bro relax lang. Di ko naman aagawin sa'yo 'yang girlfriend mo eh. Sige ka baka di ako makapagpigil at gawin ko ang kinatatakutan mong mangyari. Baka nga agawin ko talaga sa'yo ang napakaganda mong girlfrien."
"G*go ka ah," sabi ni Xander at hinawakan ang collar ni George. 'Yung parang manununtok ba.
"Chill ka lang bro. Masyado ka naman hot," sabi ni George at nakuha pa talagang ngumiti.
"Naku po mga sir. Huwag naman po kayong mag-away dito sa karinderya ko."
"Xander halika na. Xander," yaya ko kay Xander at marahas nga nitong binitawan si George.
Bago pa kami umalis ay tiningnan muna nito ng matalim si George.
"Ba't mo naman ginawa 'yun? Nageskandalo ka pa eh."
"Ikaw naman tuwang tuwa at may gusto sa'yo 'yung lalakeng 'yun."
"Saan mo naman nakuha 'yan? Walang gusto 'yun sa akin. Ikaw lang nag-iisip niyan eh."
"Aisshh! Basta nakakainis 'yung lalakeng 'yun. Ayokong makitang nakikipagkita ka pa sa lalakeng 'yun."
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Una pinagbabawalan mo akong makipagkita at usap kay Bryan tapos ngayon naman kay George. Bakit ba talaga?"
"Basta ayoko."
"Hindi mo naman ako mabigyan ng magandang dahilan eh."
"Hindi ba pwedeng sumunod ka na lang sa akin."
"Bakit lahat na lang kayo gustong kontrolin ang buhay ko? Hindi niyo ba naisip na may sarili rin akong utak? Tingin niyo kasing lahat hindi ko kayang magdesisyon para sa sarili ko. Kontrolado na nga bawat galaw ko sa bahay pati ba naman dito sa labas. Pareparehas lang kayo," sabi ko at tumakbo na at sumakay ng taxi.
Pagkasakay ko ng taxi ay tumatawag si Xander pero di ko sinagot.
Para saan pa?
Lahat na lang ng tao dinidiktahan ako sa dapat kong gawin.
Pagod na ko sa totoo lang eh.
Pagod na pagod na ko.
****
Nasa bahay na ko ngayon at pagpasok na pagpasok ko ay talagang nagulat ako.
"Tita Rose ano pong ginagawa niyo dito?"
"Bumibisita lang kami ng anak ko rito," sagot ni tita kaya nabaling naman ang tingin ko sa lalakeng kasama niya.
"Bryan."
"Oh magkakilala pala kayo eh," sabi ni mama.
"Schoolmate po kasi kami tita," sagot ni Bryan.
"Ay oo nga pala. Pero di ba hindi naman lahat ng schoolmate magkakakilala?"
"Nagkakilala po kami ng mapakamalan niyang ako 'yung kaibigan niya. 'Yung Marc ata 'yung pangalan."
"Ah ganun pala," sabi ni mama.
"Sige Bryan Zafirah maiwan muna namin kayo," sabi ni tita at umalis na nga sila.
"Di ko akalaing ikaw pala ang isa sa anak ni tita Rose. Ibigsabihin anak rin niya si Sophie."
"Tama ka. Tulad mo nagulat rin ako at ikaw pala ang anak ni tita Emilia. Sa totoo lang kasi naguguluhan talaga ako eh. Di ba daughter-in-law siya ni Clinton Tan? Bakit hindi alam sa university na apo ka ni Clinton Tan?"
"Sa totoo lang ayokong ipaalam."
"Bakit?"
"Ayoko ng atensyon. Ayoko na nakikipagplastikan sa akin ang ibang tao. Ayokong kinakaibigan lang nila ako dahil kung sino ako. Ayoko ng ganun kaya nakikiusap ako huwag mong sasabihin kahit kanino 'tong nalaman mo."
"Naiintindihan ko at pinapangako kong di ko sasabihin kahit kanino ang tungkol dito."
"Salamat," sabi ko tapos biglang nagring ang CP ko.
Nang makita kong si Xander na naman ang tumatawag ay di ko ito sinagot.
"Sino 'yung tumatawag?"
"Si Xander."
"Bakit di mo sagutin?"
"Hayaan mo siya."
"NagLQ kayo?" tanong ni Bryan dahilan upang mapatigil ako.
LQ nga ba ang tawag dito o baka naman FLQ or fake lovers quarrel.
"Huwag kang mag-alala Zafirah. Normal lang talaga 'yan sa isang relasyon. Ang mahalaga 'yung masolusyonan niyo agad 'yan."
"Shhh. Huwag kang maingay."
"Bakit?"
"Baka may makarinig sa'yo."
"Di ba nila alam na may boyfriend ka na?" mahinang tanong nito sa akin kaya umiling na lamang ako.
Xander's POV
Kanina ko pa tinatawagan si Zafirah pero hindi pa rin sinasagot ang tawag ko.
"Bakit ba kanina mo pa hawak 'yan na cellphone mo Xander?" tanong sa akin ni Felix.
"Hindi kasi sinasagot ni Zafirah ang tawag ko eh."
"Ano bang nangyayari sa'yo Xander? Di ka lang sinasagot ganyan ka na. Huling naalala kong ganyan ka ay nung kayo pa ni Sophie eh. Huwag mong sabihin sa akin na mahal mo na si Zafirah?" tanong ni Ronald.
"Hindi ah. Hindi lang talaga ako sanay na magkaaway kami kaya ako ganito."
"Sinabi mo 'yan ah," sabi ni Felix.
"Oo nga."
"Baka ngayon hindi mo pa siya mahal pero darating ang araw na maaring mahulog ka sa kanya at maaring ganun rin siya sa'yo. Kung ako sa'yo Xander tigilan mo na 'tong ginagawa mo at baka di mo mamalayang napakakomplikado na pala ng lahat," sabi naman ni Leo.
Mahal? Mamahalin? Si Zafirah?
Imposible naman ata 'yun.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Teen FictionTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...