Mahimbing akong natutulog ng bigla akong magising dahil sa uhaw.
Nakalimutan ko pa namang magdala ng tubig dito sa kwarto ko kaya naman nagpasya akong tumayo para kumuha na lang sa kusina.
Hindi pa man ako nakakababa ay nakita kong nagtatalo si kuya at papa kaya naman minabuti kong magtago na lang pero nakasilip pa rin ako sa nangyayari.
"Malaking investor si Mr. Sy tapos hindi ka sumipot. Wala ka talagang kwenta," rinig kong saad ni papa.
"OO NA! WALA NA KONG KWENTA KUNG WALA NA! MASAYA KA NA? AYAN, AKO NA MISMO ANG NAGSABI!" pagalit na sabi ni kuya. Kaya naman napalabas ako sa pinagtataguan ko.
"Wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses."
"At wala kang karapatang kontrolin ang buhay ko, pa."
"Hindi kita pinalaki para pagsalitaan mo ko ng ganyan at para unahin ang mga walang kwentang bagay."
"Walang kwentang bagay? Maari nga. At least ako nagsasaya kasama ang mga kaibigan ko hindi tulad mo na nagpapakalunod sa trabaho.Para sa ano? Para sa PERA," sabi ni kuya kaya naman bigla na lamang siyang nasuntok sa kaliwang pisngi ni papa.
"Antonio," sigaw ni mama at niyakap si papa para huwag na muli itong makalapit kay kuya.
"Lumayas ka sa harapan kong walang modong nilalang."
"Talagang lalayas ako hindi lang sa harapan mo kundi pati sa impyernong bahay na 'to," sabi ni kuya at tinalikuran na sila't nagsimula na nga sa paglalakad.
"Albert, anak. Pagusapan niyo 'to ng maayos. Huwag kang padalos dalos."
"Tigilan mo nga 'yan Emilia. Gustong umalis ng anak mo hayaan mo siya. Huwag kang magmakaawa sa isang taong tulad niya," sabi ni papa habang si kuya naman ay tuluyan ng lumabas.
Masakit man sa loob ko 'yung nasaksihan ko ay minabuti kong bumalik na lamang sa aking silid.
***
Kinaumagahan habang nagaalmusal kami ay walang ibang nagsasalita na naman kundi si papa tungkol sa negosyo. Lagi naman eh."Wait. Napansin ko lang. Where's kuya?" tanong ni Chela kaya naman napatigil kami ni mama sa pagkain pero si papa hindi man lang.
"Zychela ano kasi eh," sabi ni mama.
"Umalis na ang kuya mo sa bahay na 'to."
Nanlaki ang kanyang mga mata. "What? Nasaan siya ngayon?"
"Hindi ko alam at wala akong pakielam."
"Dad. Paano kung mapahamak si kuya."
"May lakas siya ng loob na maglasing at umalis dito sa pamamahay ko kaya ibigsabihin nun kaya na niya ang sarili niya."
"But dad."
"No buts Zychela. Just continue eating," sabi ni papa kaya naman napangiwi na lamang si Zychela at nagpatuloy sa pagkain.
FAST FORWARD
Nasa cafe ala real kami ngayon ni Janina.
"Really? Grabe talaga ang kuya mo. Masyadong rebelde," sabi ni Janina matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kagabi.
"Nakakaawa nga siya eh. Hindi naman siya magiging ganun kung naging mabuti sanang ama si papa. Sa aming tatlo si kuya ang super nahirapan at naapektuhan ni papa. Hindi lang kasi siya 'yung panganay kundi siya rin 'yung nag-iisang lalake sa amin kaya mas doble ang pagtrato sa kanya ni papa kesa sa akin."
"Nakakaawa rin talaga ang kuya mo Zafirah. Kahit ako rin naman gagawin ko rin ata 'yung ginawa ng kuya mo. Well enough of that. Anong meron at parang hindi na ata kita nakikitang kasama 'yung new friend mo. Ano nga ulit pangalan nun? Geoffrey ba?"
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Teen FictionTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...