MUL 54

1K 24 7
                                    

Xander's POV
Tatlong araw na ang nakalipas ng makipaghiwalay ako kay Sophie.

Gusto kong puntahan si Zafirah nung nakaraang araw na iyon ngunit nawawalan ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang magiging reaksyon niya.

Kung matutuwa  ba siya o magagalit dahil sa ginawa ko.

Ngunit napagdesisyunan ko na ngayong araw na pupuntahan ko na siya para sabihin sa kanya na wala na kami ni Sophie at para makapagtapat na rin ng pag-ibig ko sa kanya.

Nang makapag-ayos na ako ay agad akong pumunta sa mansion ng mga Tan.

Nagbuntong hininga muna ako bago ako lumabas ng kotse at nang makalabas na ako ay  agad kong pinindot ang doorbell.

"Sino hong kailangan nila?" tanong sa akin ng isa sa katulong nila.

"Ah nandiyan ba si Zafirah?"

"Si ma'am Zafirah po ay nandito po. Bakit ho?"

"Ahh may sasabihin lang."

"Kaano ano ho kayo?"

Masyado namang intregera 'tong katulong na  'to.

"Kaibigan."

"Sige ho. Pasok na ho kayo," saad nito at iginaya na nga ako sa sala ng mansyon at dun naghintay kay Zafirah.

Zafirah's POV
Nagsusurf  ako ng net nang biglang may kumatok ng pintuan ko kaya naman tumayo na nga ako at binuksan ito.

Dun ko nakita si Eden, isa sa bago na naman naming katulong.

"Ma'am Zafirah may naghihintay ho sa inyo sa  baba."

"Sino raw?"

"Hindi ko na po natanong pero ang sabi ho ay kaibigan niyo raw."

"Babae?"

"Lalake ho."

"Sige. Bababa na ako," saad ko at nauna na nga itong umalis.

Ako naman ay inesleep ko muna ang laptop ko at bumaba na rin.

Laking gulat ko ng makita kong si Xander pala ang naghihintay.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noo kong  tanong.

"Dinadalaw ka."

"Bakit?"

"Kapag ba dinalaw ka kailangan may rason."

"Alam mo Xander huwag ka ng magpaligoy ligoy pa. Sabihin mo na kasi ang pakay mo."

"Nagpunta ako dito para sabihin sa'yong wala na kami ni Sophie," napatigil ako dahil sa sinabi nito ngunit mabilis naman akong nakarecover.

"Ano ngayon?"

"Zafirah nakipaghiwalay ako sa kanya dahil hindi ko na siya mahal. Dahil may iba na akong mahal."

"Ba't mo 'to sinasabi sa akin?" tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya.

"Sinasabi ko sa'yo dahil ikaw ang mahal ko," saad nito at naramdaman kong kinuha niya ang kanan kong kamay at hinawakan ito.

"Zafirah ikaw na ang  bagong nagmamay-ari ng  puso ko ngayon."

"A-anong gusto mong gawin ko?" tanong ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo niya itong hinigpitan.

"HIndi ko naman hinihiling na sana maging tayo agad o sabihin mo rin sa akin na mahal mo rin ako. Ang akin lang ay hayaan mo  akong mahalin ka at ipakita sa'yo ang buong puso kong pag-ibig."

"Ano bang pinagsasabi. . .?" hindi ko na natapos ang aking tanong ng bigla na lamang ako nitong niyakap.

"Ikaw na ang may hawak ngayon ng puso ko Zafirah kaya sana naman ay pagbigyan mo ako," saad nito habang nakayakap sa akin.

Alam ko sa sarili kong hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

Wala naman akong nakikitang mali kung sakaling pagbibigyan ko nga siya. Wala na sila ni Sophie at ako naman ay wala rin namang boyfriend.

"Bakit hindi?" tanong ko kaya naman bigla na lang itong kumalas sa yakap.

"Ibig sabihin. . ."

"Oo. Pinapayagan na kitang ipakita sa akin ang pagmamahal mo."

"Hindi mo ito  pagsisihan Zafirah."

"Sana nga," saad ko at papalapit  ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi ang pumikit.

Maya- maya pa ay naramdaman ko na ang pagdampi ng labi niya sa aking  mga labi.

Parang may paru-parong nagliliparan sa aking tiyan.

May naramdaman din akong kuryente sa aking buong katawan.

Kung pwede lang huminto muna ang oras sa pagkakataong ito.

"Sige Zafirah ah. Aalis na muna ako. Nagpunta lang naman ako dito para sabihin 'yun sa'yo eh," saad nito ng  natapos na ang halik namin.

Smack lang naman iyon pero grabe na ang pamumula ng aking mga pisngi.

"Sige."

"Sige. See you tomorrow."

 "Yeah. See you tomorrow," saad ko at naglakad na nga ito paalis.

Nang makalayo layo na siya ay humarap na naman ito sa akin at binigyan ako ng flying kiss ako naman ay tinaasan lang siya ng kilay habang nakangiti.

Nagpout ito pero sandali  lang naman at nagbabye na naman  kaya naman nagbabye rin ako sa kanya at tuluyan na nga itong umalis.

Nang makaalis na ito ay nagdiretso na nga ako sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko at  dun ko inilabas ang kilig.

Maya maya pa ay kumatok na naman at sa puntong  ito at inayos ko ang sarili ko at binuksan na nga ang pintuan.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa baba."

"Ganun ba. Sige pababa na ako."

Ano na  naman bang kailangan ni Xander?

Hindi pa rin ba siya tapos na pakiligin ako?

Bumaba na nga ako ngunit laking gulat ko ng  hindi si Xander ang naghihintay kundi si tita Rose.

"Tita Rose ano ho ang ginagawa niyo dito?" tanong ko ng makapagmano na ako rito.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Zafirah. Ibalik mo si Xander sa anak ko?"

"Ho?" tanong ko at lumuhod na nga ito.

"Ano hong ginagawa niyo?"

"Wala akong kwentang ina dahil hindi ko man lang nadamayan ang anak ko sa mga oras na kailangan niya ako. MIserable ngayon si Sophie at 'yun ay dahil sa pakikipaghiwalay sa kanya ni Xander. Mas kailangan niya si Xander kaysa sa'yo Zafirah. Kaya ngayon nagmamakaawa ako sa'yo Zafirah. Ibalik mo na lang si Xander kay Sophie," umiiyak nitong saad habang nakaluhod pa rin.

Ano ng gagawin ko?

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon