Magkasama kami ngayon ni Kirsten dito sa library. Nagbabasa lang ako ng libro ng bigla siyang magsalita.
"Anong meron sa'yo Zafirah?"
" Ano bang pinagsasabi mo diyan Kirsten?"
"Parang ang lungkot mo na masaya."
"Ha? Di kita gets. Labo mo eh."
"Ganito na lang. May bagay ba o pangyayaring nagpapalungkot sa'yo ngayon?" tanong niya sa akin at bigla kong naalala yung nangyari kahapon kaya naman napatango na lamang ako sa tanong niya.
"May nangyari bang nagpasaya sa'yo?" tanong ulit niya kaya napaisip naman ako.
Simula nung nangyari kahapon ay hindi pa ko ngumingiti man lang maliban na lang nung hinalikan ako ni Xander sa pisngi.
"Hoy Zafirah ano bang iniisip mo diyan? Halika na nga't malelate na tayo oh," saad niya at pinakita pa sa akin ang orasan sa cellphone niya.
"Ah oo." Tumayo na nga kami at agad agad ng umalis.
Sophie's POV
"Yeah mamaya may practice tayo," sabi ko kay Kyla, kasamahan ko sa cheering squad pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa at nagsimula na ako sa paglalakad.
Hindi ko inaasahan na makasalubong ko si Xander.
"Xander."
"Oh Sophie ikaw pala."
"Pwede bang humingi ng pabor?"
"Ano yun?"
"Pwede bang samahan mo ko bukas na magcelebrate ng birthday ko?"
"Birthday mo nga pala bukas 'no? Sure," nakangiti niyang wika.
"Salamat. This means a lot to me," sabi ko at niyakap siya.
From my peripheral view nakita ko si Zafirah na nakatingin sa amin.
I'm so sorry Zafirah pero nagsisimula na akong kunin ang akin.
Zafirah's POV
Nung makita ko na magkayakap si Sophie at Xander parang may tumusok sa dibdib ko. Hindi ko na kaya yung nakikita ko kaya tumalikod na ako at umalis.
Ano ka ba naman Zafirah? Malay mo nagkabalikan na sila.
Anong magagawa mo? Fake girlfriend ka lang naman niya eh.
Agad naman akong nagcommute para makauwi. Hindi na kasi ako hinahatid at sinusundo ni manong kasi utos ni papa. Nandito ko sa jeep hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako naiiyak eh. Napapatingin na sa akin yung mga nandito sa jeep. Siguro nagtataka sila kung bakit ako umiiyak.
Nang malapit na ako sa bahay ay agad akong nagpunas ng luha ko.
"Hi unnie," bati sa akin ni Chela pero hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Tumungo ako sa aking kwarto at nagpalit na ng damit ng makapagumpisa na akong gawin ang mga trabaho.
Wala naman masyadong aayusin dito sa bahay kasi lagi namang malinis dito at responsable naman ang bawat isa sa amin sa aming mga gamit. Kaya agad akong pumunta sa kusina at sinuot na yung apron ng makapagsimula na akong magluto.
Kinuha ko na yung recipe book kasi hindi talaga ako marunong magluto. I know how to bake and how to fry but I really don't know how to cook.
Xander's POV
Hinihintay ko si Zafirah para sana malibre ko siya ng pagkain sa labas, pasasalamat ko sa kanya pero ni anino ni Zafirah hindi ko talaga makita.
Nakita ko si Marc kaya agad ko siyang nilapitan.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Teen FictionTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...