MUL 43

1.1K 26 1
                                    

Sophie’s POV
Nandito ako ngayon sa condominium kung saan may unit si Xander.

Ang alam ko kasi ay may klase siya kanina 9:00-10:30 am pero hindi siya pumasok kaya naman bumili ako ng lunch sa isang fast food chain para naman sabay na rin kaming kumain.

Nandito ako ngayon sa labas ng unit niya at pinindot ko na ang code.

81297

Pero hindi ito ang passcode niya.

Pinindot ko ulit ito pero hindi talaga bumubukas. Bakit pinalitan ni Xander ang passcode niya? Bakit hindi na ‘yung birthday ko?

Agad ko itong tinawagan pero hindi nito sinasagot.

Mga nakalima akong tawag  sa kanya hanggang sa sinagot niya.

[“Hello,” mukhang kakagising pa lang na sagot niya.]

“Xander, nandito ako ngayon sa labas ng condo mo. Nagtry na rin akong magdoorbell pero walang nagbubukas.”

[“Ganun ba. Ilagay mo na lang ‘tong code. 051614”]

“Sige. Salamat,” saad ko at ibinaba ko na ang cellphone ko.

Ano ang meron sa date na ‘yun?

Hayy naku!

Baka grabe lang ang pinagiisip isip ko. Baka trip niya lang talagang ‘yun ang code niya.

Agad agad kong pinindot ang code pagkatapos  ay pumasok na nga ako at dumiretso sa kwarto ni Xander.

Pagpasok ko ay agad kong napansin ang bote ng alak sa paligid.

“Uminom ka kagabi?” sabi ko habang inaayos ang mga nagkalat na alak.

“Ah oo.”

“Bakit?”

“Feel ko lang kasi kagabi.”

“Ahh. Nagdala ako ng lunch natin.”

“Ganun ba. Salamat.”

“Kain na tayo,” saad ko at kinuha na nga ‘yung mga pagkain na dala ko.

Nagsisimula na nga kaming kumain.

“Hindi ka nakapasok kanina,”saad ko habang kumakain.

“Hangover eh.”

“Sa susunod kasi hinay hinay sa lang paginom.”

“Sige. Tatandaan ko ‘yan.”

Kahit pakiramdam kong may mali hindi ko ito pinapahalata sa kanya.

Ayokong maramdaman niya na nakakaramdam na ako ng pagbabago sa samahan namin, sa trato niya sa akin dahil baka pag iyon nalaman niya ay iwan niya ako.

Hindi ko kakayanin na mangyari iyon.

Zafirah’s POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa opisina ni grandpapa. Pinatawag niya raw kasi ako para kausapin.

“Siguro ampon lang siya kaya hindi niya ipanaalam na apo siya ni president Tan,” rinig kong pagbubulungan ng dalawang babae pero nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad na parang walang narinig.

“Siguro nga rin. Kung ako naman kasi talaga ampon ay mahihiya talaga akong magpakilala.”

Sa totoo lang nasasaktan ako sa lahat ng sinasabi nila.

Sino ba sila para husgahan ako?

Ni wala nga akong nagawang kasalanan sa kanila pero kung manghusga sila daig pa alam nila ang buong istorya ng buhay ko.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon