MUL 20

1.4K 38 7
                                    

Xander's POV

Pagkatapos nga nung pagkain namin ni Zafirah nung mga street foods ay umalis na siya ako naman ay naglilibot libot gamit ang kotse ko. Ayoko pa kasing umalis o umuwi sa bahay. Problema na naman kasi ang dadatnan ko dun at ang walang kwenta kong ama.

Habang naglilibot libot ako ay biglang nawalan ng gasolina kaya naman napagdesisyunan kong lumabas na ng kotse.

Naglalakad ako kahit gabi na.

Ewan ko ba pero feel ko lang talagang mapag-isa.

Lakad lang ako ng lakad ng marealize kong may pamilyar na tao akong nahagip ng aking mga mata.

Si MAMA.

Ba't ganun ang sakit sakit makita na masaya siya kasama ang bago niyang pamilya? Alagang alaga niya 'yung dalawa niyang anak na lalake dahil ayaw man lang niyang maulanan.

Di ko namalayang tumutulo na rin ang mga luha ko kasabay ng pagtulo ng ulan galing sa ulap. Nakaalis na sila pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Napaluhod pa ako dahil sa sobrang sakit na dinadanas ko ngayon.

Zafirah's POV

Nandito ko ngayon na sa bahay at ito nanonood ng TV kasama si Chela.

"Hahahaha," tawa namin ni Chela dahil tatanga 'yung bida nagdradrama na nga ayun hindi man lang napansin yung butas sa dinadaanan niya kaya ayan nahulog siya.

Kinuha ko ang phone ko dahil may tumatawag at nakita ko ang pangalan ni Xander. Agad ko namang sinagot yung cellphone ko habang tumatawa pa rin ako.

"Hello."

"Um ito po ba si Zafirah Tan?"

"Oo ako nga? Bakit? Sino ho ito?"

"Ah hindi na mahalaga ang mahalaga ay kailangan mong puntahan dito 'yung Xander ba 'yung pangalan."

"Ha? Saan po? Bakit?"

"Inaapoy siya ng lagnat tapos nagpapaulan pa siya."

"Sige po. Nasaan po ba kayo?" tanong ko ng sabihin na niya kung nasaan sila ay agad agad akong tumayo at lalabas.

"Ate saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Chela pero hindi ko na inintindi.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad kong pinuntahan si manong driver.

"Manong i-drive n'yo po ako."

"Naku pasensya na ma'am Zafirah pero kabilin bilinan ni sir na 'wag kayong papayagang lumabas ng gabi eh."

"Ano ka ba naman manong ngayon lang naman eh. Please, emergency lang po talaga."

"Pasensya na po talaga at hindi pwede."

"Pwes kung ayaw niyo di ako na lang." Agad naman akong naglakad paalis.

"Ma'am Zafirah. Ma'am," rinig kong tawag niya pero hindi ko pa rin sia iniintindi at nagpatuloy ako sa paglalakad paalis.

Lahat ng taxing dumaan ay pinarahan ko pero ni isa rito ay walang tumigil.

"Para," tawag ko ulit sa taxi at salamat naman at tumigil na rin ito kaya agad agad naman akong pumasok.

*****

Nang nakarating ako sa waiting shed ay sinalubong ako ng mga nasa 40's na ang edad na babae.

"Salamat po at tinawagan niyo ako."

"kaw ang tinawagan ko dahil ikaw 'yung nasa speed dial."

"Wala po akong dalang kotse. Pwede po bang samahan niyo akong kumuha ng taxi?"

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon