MUL 34

1.1K 28 2
                                    

Zafirah’s POV
Tapos na akong gawin ang mga dapat kong gawin bago pumasok sa eskwelahan kaya naman bumaba na ako at pumunta sa dining room at nagkatinginan kami ni Zychela pero ako ang unang bumawi ng tingin.

“Una na po ako,” sabi ko at tumalikod na nga sa kanila.

“Kumain ka,” utos sa akin ni papa.

“Sa cafeteria na lang ako kakain.”

“Ang sabi ko kumakain ka dito kung ayaw mong bigyan kita ng sweldo ng wala ka ng baon,” sabi ni papa kaya wala naman akong ibang nagawa kundi umupo na nga roon at nagsimula ng kumain.

“Lahat ba ng kabusiness partner natin Emilia  na bigyan mo na ng invitation para sa Sabado?”

“Oo.”

“Good. Mamayang hapon darating dito ‘yung designer ng  gagamitin niyo para sa party. Umuwi agad kayo. Naiintindihan?”

“Opo,”  sabay sabay naming tatlong magkakapatid na sabi.

“I want every detail para sa party ay maayos,” sabi ni papa pero nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Xander’s POV
Kasama ko ngayon si Leo at Phillip na nakatambay.

“Anong dapat kong gawin para mapatawad ako ni Zafirah?”

“Tsss. Ayan ang ayaw ko sa relasyon eh. Kababati pa lang tapos mag-aaway na naman,” sabi ni Phillip ng umiiling iling pa.

“Alam mo kasi Xander. Hindi ka naman patatawarin nun kung wala kang ginagawa.”

“Yun na nga Leo. Ano ba ang dapat kong gawin para patawarin niya ako?”

“ Hindi ko alam dahil hindi ko naman ganun kakilala si Zafirah eh.”

‘Oo nga noh. Ba’t di ko naisip agad ‘yun?’ sabi ko sa aking isipan at tumayo na nga.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Phillip.

“Gagawa ng paraan para mapatawad ni Zafirah,” sabi ko at nagmadali na ngang umalis.

Pumunta na nga ako sa arts building kung saan nasaan si Janina. Nabanggit kasi sa akin dati ni Zafirah na ganitong oras ang vacant ni Janina ngayong araw.

Hinanap ko ito at ng makita ko na ito ay pinuntahan ko na agad ito.

“Janina.”

“Oh Xander.”

“Pwede ba kitang makausap?” tanong ko rito tapos tumango lang ito at pumunta na nga kami sa lugar kung saan walang masyadong tao.

“Tungkol kay Firah?” tanong nito kaya naman tumango lang ako.

“Anong pwedeng gawin o ibigay sa kanya para lang mapatawad niya ako?”

“Hindi na ako magtatanong dahil halata namang nag-away kayo. Sa totoo lang hindi pala kwento si Firah sa buhay niya. Kahit magkaibigan kami konti lang talaga ang alam ko sa kanya. ‘Yung basic information nga lang pero ‘yung estado ng pamilya niya. Wala akong alam. Siya kasi ‘yung tipo na hindi nailalabas ang nararamdaman. Ayaw niyang nagsheshare kahit kanino. Kahit sa amin na kaibigan niya. Isa lang masasabi ko. Mabait si Zafirah. Hindi mo kailangang bigyan siya ng kahit anong mamahaling gamit. Ipakita mo lang na mahalaga siya sa’yo. Nasa tabi ka niya sa oras ng problema. Hindi siya palakwento pero nararamdaman ko kung kailan siya may problema o wala. Base from this past few days, kahit hindi kami madalas ng nagkakasama pero nagkakausap ko siya sa phone. Halata ko naman na may problema siya ngayon.”

“Sige salamat,” sabi ko at tumango lang siya at ngumiti.

“Sige. Una na ko,” sabi nito at umalis na nga.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon