MUL 60

1.5K 31 6
                                    

Nagbuntong hininga ako habang nakatingin sa isang malaki at magandang simbahan.

Lumabas na ako sa kotse at dun ko narinig ang mga tao na nag-uusap. Ang iba naman ay nakatingin sa akin.

Nakasuot ako ngayon ng isang mahabang puting damit at may hawak na bouquet.

Sila Zychela at Kirsten ay dalawa sa kinuha kong abay.

Si Janina ang maid of honor ko.

Kinuha rin pala ni Xander si kuya Albert isa sa groom's men.

Nang magsimula ng tumugtog ay nagsimula na rin maglakad ang mga flower girls, ring bearers, bridesmaids and etc hanggang sa dumating sa punto na ako na nga maglalakad.

Ang kumakanta pala ay si Kevin na siyang long time boyfriend na ng kapatid ko na si Zychela.

Masaya ako para sa kapatid ko dahil nakatagpo siya ng isang lalakeng mamahalin siya.

When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?

Nasa left ko ay si mama habang sa right ko  ay si papa.

Natagalan bago gumising si papa galing coma pero ang mahalaga ay nagising siya.

Medyo nagbago siya ng konti pero 'yung ugali niya ay ganun pa rin.

Naalala ko pa noon nung nagpaalam si Xander kay papa na manliligaw sa akin.

"Manliligaw ka sa anak ko?"

"Opo sir kaya sana po ay payagan niyo  ako."

"Paano kung hindi ako papayag?"

"Maghihintay po ako sa panahon na payagan niyo ho ako."

"Pwes kailangan mo munang kunin ang tiwala ko bago ka manligaw  sa anak ko," saad ni papa at simula nga nun ay talagang ginawa ni Xander lahat para lang payagan siya ni papa na manligaw.

Naging instant driver siya ni papa.

Naging part time messenger pa sa kumpanya at kung ano ano pang ginawa ni Xander.

Hanggang sa dumating ang araw na pinnayagan na rin ni papa si Xander na manligaw.

Sa totoo lang ay mas naniniwala ako na mahal ako ni Xander dahil hindi niya gagawin ang mga iyon kung hindi niya ako mahal.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon