Zafirah's POV
Naglalakad ako dito sa campus ng makita ko sila Janina kaya naman pinuntahan ko agad sila.
"Sinong may kasalanan? At sinong matalino?" tanong ko ng makalapit sa kanila,
"Yung tutor ni Janina."
"Really may tutor ka? Kung kailan college tsaka ka naman nagkaroon ng tutor."
"Eh sa tutor ko 'yun sa math noh at isa pa mas mahirap ang mga lessons sa college kesa nung HS at mas madaling pumasa nun noh."
"Sabagay may tama ka naman diyan."
"Of course. Sige babush na sa inyo at baka malate pa ako," paalam sa amin ni Janina at umalis na.
"Ikaw may klase ka na rin ba?" tanong ko kay Marc.
"Oo naman at alam ko ikaw rin."
"You're right about that."
"Oh sige alis na rin ako," paalam niya at umalis na rin habang ako naman ay nagtungo na rin sa klase ko.
*****
"Ok class who can tell me who is Confucius and what is his philosophy?" tanong ni sir.
"Sophie," sabi ni sir dahilan upang tumayo na si Sophie.
"Confucius was a Chinese teacher, editor, politician, and philosopher of the Spring and Autumn period of Chinese history. The philosophy of Confucius emphasized personal and governmental morality, correctness of social relationships, justice and sincerity. His followers competed successfully with many other schools during the Hundred Schools of Thought era only to be suppressed in favor of the Legalists during the Qin Dynasty. Following the victory of Han over Chu after the collapse of Qin, Confucius's thoughts received official sanction and were further developed into a system known as Confucianism. That's all."
"Very well said ms Alvarez you may now sit down," sabi ni sir at umupo na siya.
I must say na magaling nga talaga si Sophie.
Ano pa nga bang aasahan mo sa isang valedictorian di ba? At isa pa kapag sumasagot siya ay feeling ko nasa isa siyang beauty contest. Sabagay sabi nga ni Kirsten eh ilang beauty pageant ang nasalihan niya. Ang sabi pa nga nun eh minsan natatalo daw si Sophie pero kadalasan eh panalo. Kung hindi naman daw beauty pageant eh singing contest.
No doubt eh talagang maganda ang boses niya eh.
"Zafirah," tawag naman sa akin ni sir kaya naman napatayo agad ako.
"What is Confucius' golden rule?"
"Do not do to others what you do not want done to yourself," maikli kong sagot at tumango tango na lang siya at bumalik na sa discussion niya kaya naman umupo na ako.
Anong akala niya hindi ko alam 'yun. Well, nagkakamali siya. Kahit hindi ako palarecite ay may alam naman ako sa klase.
***
Salamat naman at natapos na ang klase ko at uwian na rin sa wakas.
Naglalakad kami ni Kirsten habang naguusap na rin.
"Ang swerte talaga ng magiging boyfriend ni Sophie. Hindi lang maganda matalino pa."
"Grabe talaga ang paghanga mo ka'y Sophie."
"Well, oo. Tulad nga nung sinabi ko sa'yo dati eh High School pa lang kami eh idol ko na nga 'yun."
"Sige na bye na at alam kong may klase ka pa," wika ko.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Novela JuvenilTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...