Nakatingin ako ngayon sa salamin na siyang hawak hawak ko habang nandito pa ako sa loob ng kotse.
Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng hiya, kaba at excitement ngunit mas nangingibaw ang pagkaexcited.
First kong pumasok na nakasuot ng ganitong damit at nakamake up. Nakasuot ako ng halter black dress and black pumps. Also a dangling diamond earings. Nakanude lipstick ako at smoke eye shadow na purple.
Nagbuntong hininga na lamang ako at bumaba na nga.
Sa pagbaba ko pa lang ay naramdaman ko na ang mga tingin ng mga estyudyante dito sa university.
Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa halata sa mga lalake rito na humahanga sila sa akin ngayon habang ang mga babae naman ay inggit ang bumabalot sa kanila.
Gusto ko ng lumubog sa lupa ngayon.
Tulad nga ng sabi ko dati ay ang pinakaayoko ay ang atensyon.
Nagsimula na nga akong maglakad ngunit nakatungo sapagka’t nahihiya nga ako.
Maya maya pa ay may nakabangga ako.
“Sorry,” rinig kong sambit nito.
“Ok lang.”
“Zafirah?” napataas ako ng ulo dahil sa sinambit nito ang ngalan ko.
“Bryan.”
“You look. . .um. . . different.”
“I know. Nahihiya na nga ako eh.”
“Bakit? You are in different in a good way.”
“Salamat na lang. Dapat kasi talaga nakinig na lang ako sa instinct ko na huwag magsuot ng ganito at magmake up eh,” nahihiya kong sabi.
“Zafirah!!!” agad naman napatingin ako sa boses na tumawag sa akin at nandyan na nga sila Elaine at Courtney.
“You look so gorgeous Zafirah,” compliment ni Elaine.
“Yeah. Really really gorgeous,” si Courtney naman ang nagsabi.
“Halika. Sabay na ulit tayong pumunta sa room,” yaya ni Elaine at hinila na nga nila ako.
Lumingon pa ako kay Bryan pero ngumiti na lamang ito.
“Told you Zafirah. Bagay talaga sa’yo ‘yan.” –Elaine
“Grabe nga ‘yung mga mata nila oh. Hindi na matanggal na sa’yo.”
“Hehehe,” sabi ko na lamang at maya maya pa ay nakarating na nga kami sa room ko kaya naman nagpaalam na ako sa kanila at pumasok na nga ako at tumabi na kay Kirsten.
“Anong nangyari sa’yo?” tanong nito sa akin.
“Huh?”
“Ah wala. Naninibago lang siguro ako sa’yo ngayon.”
“Sila Elaine kasi sabi dapat daw magsuot ako ng mga ganitong damit at magmake up ako.”
“asdfghjkl (naniwala ka naman),” sabi nito ngunit hindi ko narinig kung ano ‘yun.
“Ano?”
“Wala. Sige na nandiyan na si ma’am oh.”
***
Lumipas ang mga araw at nasanay na rin akong magmake up at magsuot nga mga ganitong damit. Mga dress na dati ay hindi ko magawa gawa.Sa totoo lang masaya rin pala ang nabibigyan ka ng atensyon.
‘Yung mataas ang tingin ng nakapaligid sa’yo.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Teen FictionTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...