Sophie's POV
Nasa kotse ako ngayon ni Bryan. Sa totoo lang sumabay na ako sa kanya dahil parehas naman ang oras ng first class namin tsaka isa pa nagleave muna kasi 'yung driver namin dahil sa may sakit daw 'yung anak niya."Ano 'yung nababalitaan ko sa university na kayo na ulit ni Xander?"
"Totoo 'yun kuya."
"Paano si Zafirah?"
"Hindi mo ba nabalitaan na fake relationship lang 'yung meron sila ni Xander?" tanong ko pero kita kong naguguluhan siya.
"Ginawa lang fake GF ni Xander si Zafirah para pagselosin ako."
"Ginawa ni Xander 'yun?" tanong niya ng nakaharap na sa unahan dahil siya 'yung nagmamaneho kaya naman napatango na lamang ako.
"Isn't it sweet? Nagpapatunay lang 'yun na Xander really does love me."
"Paano si Zafirah?"
"Anong pano siya?"
"Pano 'yung nararamdaman niya?"
"Ano ba naman kuya? They don't love each other. Hindi mahal ni Zafirah si Xander lalong lalo nang hindi mahal ni Xander si Zafirah."
"Hindi natin masasabi 'yan Sophie. Hindi natin hawak ang puso nila," saad ni kuya kaya naman di na lamang ako umimik.
Wala na kasi akong masasabi.
Tama siya.
Paano nga kung may nararamdaman si Zafirah kay Xander or worse si Xander kay Zafirah?
No.
Ayokong isipin. Hindi mahal ni Zafirah si Xander.
Ganun din si Xander kay Zafirah dahil ako lang ang mahal ni Xander.
Hindi si Zafirah kundi ako lang.
Zafirah's POV
Ginawa ko lahat para lang makapasok ngayon kahit alam ko sa sarili kong wala akong gana.Katulad ng dati kong ginagawa. I'd wear a mask para matakpan ang totoo kong nararamdaman.
Para lang ipakita sa iba na ok lang ako well in fact I'm not.
Sino ba naman kasing may pakielam sa akin?
Tulad nga ng prinsipyo ko dati.
'No one will care about me but me alone.'
Aamin ko ng mga nakaraang buwan ay medyo nakalimutan iyon pero ngayon bumabalik na naman siya sa akin.
Totoo naman, di ba?
Walang pakielam sa akin ang iba dahil kung meron di niya ako gagamitin. Ako naman kasi si tanga nagpagamit naman.
Dahil sa bagal ko sa paglalakad ay di ko namalayan na nasa classroom na pala ako.
"Ms. Tan why are you late? Be thankful you still have 2 minutes for you not to be mark as absent."
"Sorry ma'am. Late na po kasing nagising."
"Ok. Sit down," pagkasabi nun ni ma'am ay umupo na nga ako dito sa bandang likuran.
Maya maya pa ay may narecieve akong message.
FROM: KIRSTEN
Gaga. Bakit ka late?
TO: KIRSTEN
Late na nga akong nagising.
FROM: KIRSTEN
Bakit ka late nagising?"
TO: KIRSTEN
Mamaya na lang natin pag-uusapan. Naglilibot si ma'am eh.
FROM: KIRSTEN
Ok. I deserve a story.
Nang mabasa ko iyon ay itinago ko na ang phone ko.
Sa totoo lang gustong gusto ko na talagang umalis.
Ngayon naman ay katatapos lang namin magquiz at kasalukuyang nagrerecord si ma'am ng quiz.
"Ok. Santos."
"15."
"Soriano."
"22."
"Suarez."
"20."
"Tan."
"3," ani Sophie. Siya ata ang nagcheck sa papel ko.
Sa totoo lang hindi ko alam pero hindi ako naiinis sa sarili ko o ano dahil sa score ko.
Wala talaga akong ganang gumawa ng kahit ano eh.
Pagkatapos magrecord ng score ay pinaalis na kami.
Vacant namin ngayon kaya diretso kami ni Kirsten sa cafeteria.
"Magsabi ka nga sa akin. Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Una late kang pumasok tapos naka 3 ka sa quiz which is 30 items. May kinalaman ba 'to sa pagbabalikan nila Sophie at Xander?"
"Wala. Hindi sila ang dahilan."
"Kung hindi sila eh ano o sino? Zafirah naman huwag mo naman hayaan na makaapekto sa pag-aaral mo 'yan na mga problema mo," ani Kirsten pero hindi na lang ako umimik.
Alam ko kasing tama siya.
"Zafirah alam mo naman na hindi ako kasing yaman mo. Scholar nga lang ako dito di ba kaya alam ko ang halaga ng pag-aaral. Kung ano man 'yang problema mo hayaan mo lang. Hayaan mo lang ang problema mo. Ano pa't mapapagod at mapapagod rin yan at kusang aalis na lang," aniya kaya naman nginitian ko na lamang siya.
"Salamat."
Xander's POV
Nandito kami ngayon ni Sophie sa meteor garden.Mukhang may bumabagabag sa kanya kaya naman naisipan ko ng magtanong.
"May problema ba?"
"Xander."
"Hmmm."
"Mahal mo naman ako, di ba?" napatigil ako sa tanong niya.
Ano nga ba talaga ang nararamdaman ko?
Dati siguradong sigurado ako sa nararamdaman ko but now, I don't know anymore.
"Di ba mahal mo naman ako? Di ba hindi mo ko iiwan?" batid sa mga salita niya nababahala.
Ano bang dapat kong sabihin?
Hindi ko alam.
Ayokong magsabi ng salitang hindi na ako sigurado.
Kitang kita ko sa mukha niya naghihintay siya ng sagot ko at nakikita kong nasasaktan siya.
Ayokong saktan siya.
Kahit sinaktan niya ako noon ayoko pa ring masaktan siya.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha hanggang sa naglapat na ang aming mga labi.
Zafirah's POV
Mag-isa akong naglalakad. Si Kirsten kasi nasa library may ireresearch daw siya.Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam kong malapit na ako sa meteor garden.
Hindi ko maintindihan.
Napatigil na lamang ako ng makakita ako ng isa sa pinakamasakit na masaksihan ng isang taong nagmamahal.
Naluluha na ako.
Gusto kong umalis.
Gusto kong huwag tumingin pero di ko magawa.
Pakiramdam ko nakaglue ang paa at mata ko. Kahit nasasaktan ako wala na akong lakas na umalis pa.
May biglang humablot sa kamay ko at hinila niya ako dahilan upang mapayakap ako sa kanya at kusang tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Novela JuvenilTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...