Xander’s POV
Wednesday ngayon at masasabi kong may nagbago kay Zafirah di ko lang mawari kung ano iyon.Magkasama kami ngayon ni Zafirah at nandito kami sa cafeteria para kumain ng lunch. Wala kasi siyang kasabay kaya sinabayan ko muna. ‘Yung sila Janina at Marc may klase, si Kirsten naman umuwi ata.
“May problema ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Wala ah.”
“Sabihin na nga natin ilang buwan na rin tayong magkakilala kaya medyo kilala na kita.”
“Pero hindi mo kayang sabihin kung nagsisinungaling ako o hindi.”
“Sabagay. Magaling kang magtago eh,” sabi ko at double meaning ‘yun at alam kong nagets niya.
“Oo na. Magaling nga akong magtago so what?” tanong nito kaya naman nagkibit balikat na lang ako.
“Zafirah,” tawag ng isang pamilyar na tinig kay Zafirah pero hindi man lang ito pinansin kaya ako na lang ‘yung ngumiti dito at umalis na nga ito.
“Akala ko ba kaibigan mo ‘yung si George. Ba’t hindi mo pinansin?”
“Talaga! Hindi ko siya nakita.”
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o ano.
Feeling ko talaga may hindi ako alam.
Napapansin ko talaga na hindi niya ito masyadong iniintindi o sabihin na nating iniiwasan niya nga ito.
Ang tanong bakit?
Di ko alam pero may parte sa puso ko na gusto ng tumalon sa tuwa dahil iniiwasan ni Zafirah si George.
George’s POV
Napapansin ko talaga nung mga nakaraang araw ay iniiwasan ako ni Zafirah pero wala naman akong maisip na dahilan tulad na lamang nung Monday.“Zafirah,” tawag ko rito kaya naman tumingin ito sa akin ng nagtataka.
“Notebook mo. Naiwan mo dun sa room nung saturaday,” sabi ko rito sabay bigay nung notebook.
“Thanks,” sabi nito at tatalikod na sana ito sa akin pero napigilan ko.
“Um Zafirah. Pwede bang imbitahan kita mamayang manood nung practice namin sa soccer?”
“Pasensya na pero may gagawin kasi ako mamaya,” sabi nito at tuluyan na ngang tumalikod at umalis na.
Pagkatapos nun ay di ko na ulit ito nakausap.
Alam ko naman at ramdam kong iniiwasan nga ako nito.
Katulad na lamang kanina at nakita ko siya sa cafeteria kasama si Xander. Nang tinawag ko siya alam kong narinig niya ako pero hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin.
Ngayon nandito ko sa library at nandito rin si Zafirah pero hindi ako nito kita dahil nakatalikod ito sa akin. Kasama niya ‘yung magandang babaeng minsan nga rin ay nakita kong kasama niya.
“Ngayon lang tayo nagkasama ulit ngayon na week ah,” sabi nung babae.
“Paano kasi masyado kang busy.”
“Ganun ka rin naman ah. So anong nangyari dun sa party ni tito?”
“Hindi ka kasi pumunta, wala tuloy akong kausap man lang dun sa party.”
“Sabi ni mommy kumanta ka daw ng ‘may tama rin ako’ tama ba?”
“Ano naman?”
“Sus! Grabe ang fighting spirit mo nung gabing ‘yun ah.”
“Nauna si kuyang kumanta kaya naman nagkaroon ako ng lakas ng loob.”
“Yan talagang kuya mo masyadong rebel at malakas ang loob.”
Nag-usap pa nga sila sa ibang mga bagay tapos nakita ko ng tumayo si Zafirah kaya naman sinundan ko na lamang ito.
Zafirah’s POV
Napangiti na lang ako ng mapakla ng maalala ko ‘yung nangyari pagkatapos nung party."Nasisiraan na ba talaga kayo ng ulo na magkapatid? Anong pinalalabas niyo? Na wala akong kwentang ama?"
"Ikaw Albert. Ikaw pa naman ang panganay at ganyan pa ang gagawin mo. Kung hindi ganun 'yung kinanta mo edi sana hindi ka gagayahin ng kapatid mo."
"At ikaw naman Zafirah. Alam mo namang mali 'yung ginawa ng kapatid mo pero ginaya mo pa rin."
"An--- ," magsasalita pa sana si ako pero siniko na ako ni kuya para hindi magsalita.
"Grabe pa naman ang expectation ko sa inyo pero wala. Tama pa rin 'yung nasa isip ko noon na mga immature pa rin kayo hanggang ngayon."
Naglalakad lamang ako ng biglang may humila sa akin.
“George.”
“Zafirah, sabihin mo nga sa akin. Iniiwasan mo ba ko?” tanong nito kaya naman hindi ako sumagot.
“Oo nga talaga. Ano bang nagawa ko at iniiwasan mo ko?”
“Hindi mo alam?” tanong ko.
“Kung alam ko eh di sana hindi ako nagtatanong ngayon.”
“Hindi mo talaga alam. Hindi mo alam na kaya ka lang nakipagkaibigan sa akin para paibigin ako di ba? At hindi mo rin alam na kaya gusto mo kong paibigin ay dahil binabayaran ka ni Sophie,” nakita ko sa mukha niya ang pagkabigla.
“Ano? Di ka makapagsalita ngayon?” sabi ko at umiling tapos tatalikuran ko na sana siya.
“Zafirah. Aaminin ko tama lahat ng sinabi mo. Hindi naman talaga kami kasing yaman mo. Dati oo pero pabagsak na rin ang negosyo ng magulang ko. Scholar ako dito dahil varsity ako sa soccer pero di pa rin sapat ‘yun dahil hindi lang naman ‘yun ‘yung pagkakagastusan kaya naman tinanggap ko ‘yung offer ni Sophie pero umayaw na ko dahil mahal na kita,” sabi naman nito kaya naman humarap ulit ako sa kanya.
“At kung hindi mo ko minahal patuloy mo pa rin akong lolokohin ganun ba ‘yun?”
“Hindi,” sabi nito ng umiiling iling pa.
“Alam mo kung anong masakit. Tinuring kitang kaibigan pero lahat ng pinakita mo sa akin pretentious lang pala.”
“Hindi. Oo nung una lahat ‘yun pagbabalat kayo pero habang tumatagal totoo na lahat ng sinasabi’t pinapakita ko sa iyo. Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ko pero ‘yung maging kaibigan mo na lang.”
“Sa ngayon hindi ko pa kayang ibigay ang pagkakaibigan na gusto mo. Huwag kang mag-alala. Darating rin ang panahon na maibabalik natin ang pagsasamahan natin,” sabi ko at tuluyan na siyang tinalukaran at naglakad na palayo.
Sigurado naman ako na magiging magkaibigan pa rin kami balang araw.
Hindi ko kakalimutan na nagkaroon ako ng kaibgang nagngangalang George.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Teen FictionTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...