MUL 57

1.1K 30 5
                                    

Zafirah's POV
Nasa ako condo ngayon ni Janina nakatambay.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya.

"Hindi naman talaga kita masisisi diyan sa desisyon mo Zafirah kaya lang sayang naman eh. Ayun na. Mahal ka rin ng taong mahal mo hindi mo pa pinaglaban. Buti nga kayo mutual feelings niyo."

"Hindi ko naman kayang sumaya Janina na may nasasaktan akong ibang tao."

"Wow ha! Dati sarili mo lang ang iniisip mo. Well hindi ka naman  ganun ka selfish pero pagdating sa bagay na ganyan wala kang pakielam sa iba ba't ngayon nag-iba na."

"Zafirah. Hindi naman mali kung ipaglalaban mo si Xander eh. Ang isa kasi sa pinakamasakit na maranasan ng isang tao ay mafeel niyang rejected siya at ganun ang ginawa mo kay Xander. Ipinamimigay mo siya na parang isang laruan lang well in fact tao siya Zafirah."

"Janina I'm sorry."

"Huwag ka sa akin magsorry. Nararamdaman ko lang ang nararamdaman ngayon ni Xander at 'yun 'yung ireject ka ng isang tao."

"Hindi pa rin ba kayo ok?"

"Sa totoo lang naiintindihan ko naman siya. Sinubukan niya naman akong mahalin pero syempre mas matimbang pa rin 'yung Safina na 'yun kesa sa akin. Hindi naman ako nagalit sa kanya  dahil pinaasa niya lang ako. Nagalit ako sa sarili ko dahil ako 'yung umasa."

"Janina."

"Kaya ikaw huwag mo ng gayahin ang sira kong lovelife. Gumawa ka ng paraan para magkaroon ka ng  happy ending," saad nito kaya naman napangiti na lamang ako.

Nakakatuwang isipin na kahit magkaiba kami ng course ni Janina at bihira lang kaming magkasama ay nandito kami ngayon magkasama at nagbibigay ng advice sa isa't isa.

First time namin mag-usap ng ganito tungkol sa lovelife.

Nung highschool pa kami wala kaming ibang pinag-uusapan kundi mga crush namin na artista. Mga paborito naming drama. Pati ang libro na binabasa namin ay pinagtatalunan din namin kung sino ang makakatuluyan ng bida.

Pero ngayon heto kami pinaguusapan ang komplikado naming lovelife.

Dati rati ang akala namin sa mga kaklase naming umiiyak ng dahil lang sa lalake ay mga OA pero ngayon ko lang napagtanto na ganun pala talaga kapag nagmahal ka.

Kung tutuusin pwede kong ipaglaban si Xander lalo pa't alam ko naman na ako ang mahal niya pero hindi naman ako ganun kasamang tao para lang balewalain ang nararamdaman ng ibang tao.

Sophie's POV
Nandito ako ngayon sa condominium na tinitirhan ni Xander.

Papasok na sana ako ng elevator para makarating sa floor kung nasaan ang unit ni Xander ng makita ko siya kasama si Leo sa lounge kaya naman pupunta sana ako rito pero hindi na ako nakatuloy sa halip ay nagtago na lamang ako dahil sa kanilang pinag-uusapan.

"Susuko ka na lang ng basta basta kay Zafirah."

"Ano pang magagawa ko? Pinamigay na nga niya ako di ba?"

"Ginawa niya lang 'yun pinakiusapan siya ni tita Rose."

"Sabihin na natin ganun nga pero Leo hindi naman ako isang bagay na ipamimigay niya. Ibinigay ko sa kanya 'tong puso ko tapos ipamimigay niya naman. Tao ako Leo hindi ako manhid na hindi nasasaktan."

"Kung sakaling bawiin ka ni Zafirah. Sasama ka ba sa kanya?"

"Hindi ko alam isa lang ang alam ko mahal ko siya 'yun lang," nang pagsabi nun ni Xander ay hindi ko na napigilan na tumulo ang luha ko.

Agad akong umalis doon at pumasok sa kotse ko at dun ako umiyak ng umiyak.

Ibig sabihin kung hindi talaga siya pinagtabuyan ni Zafirah at hindi kinausap ni mommy si Zafirah ay hindi naman talaga babalik sa akin si Xander.

"Ma'am ok lang po ba kayo?" tanong ng driver ko.

"Opo kuya. Sige na po. Sa bahay na lang," saad ko at nagsimula ng ngang umandar ang  kotse.

Zafirah's POV
Sa totoo lang sa ngayon naisip kong bisitahin si papa sa hospital.

Ito ang magiging first time kong bisitahin siya sa hospital.

Kasalukuyang pupunta na ako ng room ng kwarto ni papa ng biglang nakita kong galing si Tricia sa kwarto kung saan nakaconfine si papa.

Nagkatinginan kami kaya naman ngumiti na lamang ito at ganun na rin ang ginawa ko tapos ay nagdiretso na ito sa paglakad at ganun rin ako.

Naghesitate pa akong pumasok pero pumasok pa rin ako at buti na lang at walang tao.

"Sa totoo lang galit ako sa'yo dahil sa pagtrato mo sa amin na parang puppet mo lang. Kinontrol mo ang buhay namin. Gusto mo kahit anong ipagawa mo ay gagawin namin pero kahit ganun hindi ko naman gusto na nandiyan ka. Ginusto kong magkaroon ng isang ama pero pano mangyayari 'yun kung nandiyan ka at nakahilata."

"I'm sorry dahil ako ang naging dahilan kung bakit ka nandiyan pero hindi ako nagsosorry kung ano man ako dahil ikaw mismo ang gumawa nito sa akin. Sana gumising ka na. I'll be waiting for that," saad ko at lumabas na nga ng kwarto.

Sa paglabas ko ay nakasalubong ko si grandmamma kaya naman nagmano na lamang ako rito at umalis na.

Buti nga at hindi na ito nagsalita ng kung ano ano pa.

Sophie's POV
Nasa kwarto ako ngayon at dun umiiyak ng biglang bumukas ang pintuan at dun pumasok si mommy.

"Sophie bakit? Anong nangyari?"

"Gusto ko sanang magpasalamat sa'yo mommy dahil nakiusap ka kay Zafirah na ibalik sa akin si Xander pero hindi pa rin ako masaya dahil hindi na ako ang mahal nito."

"Sophie," saad nito tapos niyakap ako.

"Ayoko na mommy. Ayoko na."

"Kaya mo 'yan."

"Ang akala ko magiging masaya ako na kasama ko si Xander kahit  na alam kong hindi ako ang mahal niya pero mahirap pala talaga. 'Yung kasama ko siya pero hindi naman sa akin ang atensyon at ang puso niya."

"Ano na ang balak mong gawin?" tanong ni mommy dahilan upang mapabitiw ako sa pagkakayakap sa kanya.

"I'm going to do what is right."

At sana nga tama hindi tama talaga ang gagawin ko.

Kahit sa pagkakataong ito ay magiging selfless ako. Kahit sa pagkakataong ito ay hindi sarili ko ang iisipin ko kundi ang taong mahal ko na.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon