MUL 19

1.4K 41 4
                                    


Kasalukuyang kumakain ako ng breakfast. Matagal talaga akong kumain kaya naglalagay ako ng allowance sa oras para hindi pa rin ako malate.

"Kumakain ka pa lang. Bilisan mo na't baka malate ka pa," sabi ni kuya.

"Wag kang mag-alala madali na rin naman akong matapos baliw," sabi ko ng nakangiti.

"Ah ganun. Ikaw nga eh ubod ng panget."

"At least hindi baliw. Sige na nga kuya alis na shoo," saad ko habang itinataboy pa siya ng dalawa kong kamay.

"Aalis na talaga ako. Bye na daw panget," aniya at umalis na.

"Tse baliw," pahabol kong saad.

****

Nasa library ako kasama sila Janina. Minsan talaga hindi ka na makapag-aral sa library dahil sa ingay ng mga tao.

"So anong pakiramdam na nanalo ka?" tanong ni Janina.

"Masaya naman kahit papano."

"Kahit papano?"

"Ang gusto kasi niyan Janina siya 'yung nagfirst place," sabi naman ni Marc. Napailing na lamang ako sa dalawa.'

Pero sa bagay totoo naman talaga yung sinabi ni Marc. I'm always second best though at kahit kailan hindi pa ako nanguna.

But then sanay na ko and I promise never ulit akong kakanta sa harapan ng napakaraming tao. Never again.

After I had a little chitchats with my best friends I go to my next class.

"Oh congrats Zafirah."

"Yah Congrats. Ang galing galig mo. Saludo ako sa'yo," sabi nung mga classmates ko at nginitian ko na lamang sila at nagpasalamat na rin.

Sophie's POV

I've been wondering kung bakit grabe silang makapagcongratulate kay Zafirah.

Ano bang nangyari? Ang alam ko isang araw lang naman akong absent ah.

"Hey Kelly. Bakit niyo kinokongratulate si Zafirah?"

"Eh nag 2nd place kaya siya."

"For what?"

"Dun sa singing contest. Hindi mo ba alam? Ay oo nga pala, absent ka at dapat ikaw 'yung kakanta. Ok lang 'yun at least nanalo pa rin si Zafirah," sabi nito at pumunta na sa inuupuan niya.

So siya pala 'yung naging representative dahil wala ako.

Tss I'm sure kung ako 'yun, first place ako.

Hindi naman sa pagmamayayabang pero kadalasan na contest na sinalihan ko eh first place ako whether it was an academic contest, beauty contest or singing contest.

Zafirah's POV

"Ang ganda pala talaga ng boses mo," puri ni Kirsten na siyang katabi ko.

"Tss hindi naman. Nabingi ka lang siguro."

"Totoo kaya."

"Oh sige na nga, totoo na kung totoo. 'Wag ng masyadong maingay at baka mahuli tayo na nagdadaldalan," saad ko at nakinig na lamang kami sa lectura.

Natapos rin ang klase namin. Lalalabas na sana kami ni Kirsten ng lumapit sa amin si Sophie.

"Congrats Zafirah," sabi nito kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"Salamat. Sorry na rin pala."

"Why are you saying sorry?"

"Kasi ikaw dapat 'yung kakanta hindi ako."

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon