Zafirah's POVIt has been a week after nung screening.
"Hey Firah ano 'yung nababalitaan ko na mayboyfriend ka na?"
"I invoke my right against self-incrimination," sabi ko at binatukan naman ako ng babaeng 'to. Tss napakasadista talaga.
"Tinatanong ka ng maayos kaya sumagot ka ng maayos."
"Oo na. Wala akong BF."
"Eh ano 'yung kumakalat na balita na girlfriend ka daw nung Xander Hernandez."
"Henares," pagcorrect ko sa kanya.
"Henares, Hernandez parehas lang 'yun. So ano na?" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.
"Fake relationship lang ang meron kami."
"Bakit?" wow nagtanong rin si Marc.
"Eh sa nalaman niya na apo ako ni grandpapa na unfortunately kilala niyo na."
"Sayang. Akala ko pa naman magkakaroon ka na ng love life," nanghihinayang saad ni Janina.
"Nagsalita ang may lovelife."
"Sandali, Zafirah nagscreening ka ba?" tanong sa akin ni Marc.
"Oo."
"Wait, screening saan?"
"Sa writer's club."
"Talaga? I'm sure makakasama ka eh ang galing mo kaya."
"I hope so."
"Ang alam ko nakapost na 'yung mga nakapasa," wika ni Marc. Sana talaga kasali ako.
"Halika na at ng malaman na natin kung nakasali ka talaga," sabi ni Janina at naglakad na habang kami naman ay sumunod na.
Tiningnan na namin ang nakapasa.
"Barcena, Dee pero bakit wala ka Zafirah?" tanong ni Janina.
"Gosh. You ok Firah?" tanong sa akin ni Janina kaya naman ngumiti na lang ako ng pilit.
"Oo naman. Hindi naman ako umaasa eh tsaka isa pa alam ko naman na hindi ako makakapasa."
"Firah?" tanong ulit nito na may bakas ng pag-aalala.
"Ok lang talaga ako. May klase pa ko eh kaya sige mauna na ko," paalam ko at umalis na.
Marc's POV
Alam ko naman na hindi ok si Zafirah eh. Pangarap niya 'yun eh. But that is life, you can't expect it to be good.
"Firah," sabi ni Janina at susundan pa sana si Zafirah pero pinigilan ko na siya.
"Huwag. She needs to be alone."
"Pero Marc she's not ok."
"I know pero tulad nga ng sinabi ko kailangan niyang mapag-isa," sabi ko at tumango na lang ito.
Poor Zafirah minsan na nga lang magtake ng risk nasawi pa.
Zafirah's POV
Nandito ko sa isang sulok ng university. Wala naman sigurong makakakita sa akin dito. Umiiyak ako ng mahina. Oo napakaiyakin ko talaga kahit kailan.
Buong buhay ko ba lagi na lang akong failure?
Wala na akong ibang nagawa kundi kapalpakan. Kaya ayaw sa akin ng lahat kasi wala akong kwenta, wala akong kayang gawin.
Patuloy pa rin ako sa pagluha ng may nakita akong panyo sa may mukha ko.
"Hindi mo ba kukunin? Nangangalay na ako eh," sabi nito kaya kinuha ko na lang tapos naramdanaman kong tumabi siya sa akin.
"Hindi na kita tatanungin kung bakit ka umiiyak pero Zafirah tandaan mong kahit hindi pa tayo ganoon magkakilala at lagi mo akong sinusungitan pwede mo akong sandalan."
"Maraming salamat Xander," sabi ko at sumandal ako sa balikat niya. Hindi ko ito gawain pero kailangan ko ng masasandalan sa pagkakataong ito.
"Alam mo ba na may three kinds of tears?" tanong nito kaya naiayos ko ang pagkakaupo ko at napatingin ako sa kanya.
"Basal tears, which clean and lubricate your eyes; reflex tears, which drain when your eyes are irritated by things like onions or pollen; and emotional tears at 'yun ang luha mo ngayon."
"Salamat, may natutunan ako kahit papano tungkol sa luha."
"Zafirah kung ano man 'yang problema mo ngayon huwag kang mag-alala problema pa rin ang tawag diyan bukas," sabi nito kaya naman napangiti ako.
"Sira ka talaga."
"Uy ngumiti siya," tukso nito sa akin pero hindi ko na lang pinansin.
"Pero mas maganda ka kapag nakangiti. Lagi na 'yang ngingiti."
"Ewan ko sa'yo"
"Pahug nga ng girlfriend ko," sabi niya at aktong yayakapin ako.
"Tigilan mo ko Henares."
"Ito naman. Naglalambing na nga lang ako sa'yo."
"Tse."
"Balik ka na naman sa pagiging masungit mo."
"Wala ka na dun."
Sophie's POV
Ang alam ko kaklase ko sa subject na ito si Zafirah. Never pa naman 'yun nag-absent ah tsaka kanina present naman siya sa english ba't ngayon wala na. Hay hayaan mo na nga lang 'yung babaeng 'yun.
Natapos rin ang discussion. Kinuha ko agad 'yung bag ko at lumabas na. Naglalakad ako ng may makita akong magkasintahan. Sina Xander at Zafirah.
Kaya pala hindi pumasok dahil magkasama 'tong dalawa.Aaminin ko nagseselos ako. Seeing them both so happily together make me jealous. That should be me in that place of that Zafirah girl.
Masyado akong tutok sa dalawang iyon ng di ko namalayang nakaalis na pala sila.
"Sophie," napalingon ako sa nagsalita.
"Oh ikaw pala kuya."
"Sinong tinitingnan mo diyan?"
"Ah si Xander lang at 'yung GIRLFRIEND niya."
"Saan?"
"Nakaalis na. Kainis nga kasi hindi ko pa siya nakakausap pagkatapos nung pagpakilala niya dun sa GF niya."
"Buti ka nga eh napatawad na, ako hindi pa rin."
"Hayaan mo mapapatawad ka rin nun."
"Alam ko."
Zafirah's POV
Nakauwi na ako rito sa amin at pagpasok na pagpasok ko nadatnan ko si grandmama at Zychela na nag-uusap.
"Tomorrow grandmamma, magau-audition ako sa glee club."
"I'm sure makukuha ka ulit diyan."
"I think so rin eh."
"Oh Zafirah nandyan ka na pala," pansin niya sa akin.
"Good afternoon grandmamma," sabi ko at nagbeso sa kanya.
"Taas na po ako," paalam ko at tumango na lang ito.
Nakapasok na nga ako rito sa aking kwarto.
Hayy buhay parang life.
Nag-iisip isip ako ng biglang tumunog 'yung cellphone ko. May text message.
Pagopen ko from unknown number at ang nakalagay ay. . .
'Be happy and don't let your problems hinder your happiness. Take care always :)'
Ewan ko ba pero napangiti ako nito. Kung sino ka mang unknown number, maraming salamat. Kailangan ko 'yan lalong lalo na ngayon.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Teen FictionTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...