Xander's POV
Sembreak na namin ngayon at sa katunayan lang ay ayaw ko nito dahil mas wala akong pag-asang makita si Zafirah di tulad nung nasa university may chance na makita o magkasalubungan kami hindi pa naman para labas ng bahay 'yun.Wala naman akong lakas ng loob para puntahan siya sa bahay na dahil una baka nandun 'yung papa niya at magalit kay Zafirah isa pa ano naman ang magiging rason ko na nagpunta ako dun?
"Xander."
"Sophie. Bakit?"
"Pupunta ako sa TU ngayon. Gusto ko na kasing kunin 'yung grades ko. Sasama ka na?"
"Sige," sagot ko na lamang rito.
Sa totoo lang nagbabakasakali talaga ako na baka pupunta rin ngayon si Zafirah sa Tan University.
Ano pang magagawa ko eh mahal ko 'yung tao?
Kahit hindi ko siya makasama sapat na sa akin ang makita lang siya.
"Ano Xander? Tara?" tanong nito kaya naman ngumiti na lamang ako hudyat na 'oo'.
Nang makarating kami sa university ay agad na hinanap ng mata ko si Zafirah ngunit hindi talaga ito mahagilap ng mata ko.
"Sinong hinanap mo?" tanong sa akin ni Sophie.
"Huh? Ah wala," sagot ko tapos nakita ko na lamang itong tumango at bumalik ang tingin niya sa unahan.
"Maya maya na lang kaya tayo kumuha."
"Bakit?"
"Masyadong marami pang taong nakalinya oh."
"Sabagay," sabi ni Sophie.
Umupo muna nga kami dun sa may upuan habang naghihintay nga na kumonti ang estyudyanteng nakapila pero sa totoo lang hinihintay ko lang talagang makita sii Zafirah.
Maya maya pa ay wala pa rin akong nakikitang Zafirah.
"Halika na Xander. Konti na lang ang nakapila oh."
"Sige na una ka na. Susunod na lang ako."
"Bakit ba? Pumila ka na rin kasi. Ngayon na kokonti na lang ayaw mo pa rin pumila."
Sasagot pa lang sana ako ng mauna na talaga siya nang makita ko na nga si Zafirah kasama sina Kirsten, Janina, Marc at yung GF ata nun na papunta na dito.
"Sige," nakangiti ko ng sagot tapos tumalikod na nga ako at nagtungo na sa pila.
Kahit hindi pa kami ganun ka ok ni Zafirah basta makita ko lang siya ok na ang araw ko.
Sophie's POV
Naweirduhan talaga ako kay Xander tapos dun ko na lang nakita si Zafirah na papunta rito.Kaya pala.
Hinihintay niya si Zafirah at ng makita niya na ito ay luminya na nga siya.
Wala na akong nagawa kundi sumunod na rin kay Xander.
Nalungkot ako dahil sa mga iniisip ko.
Kahit hindi sabihin sa akin ni Xander nararamdaman at napapansin ko naman talaga.
Nakuha ko na ang marka ko at dun ko nakita lahat A ang marka ko sa lahat ng subjects.
President's lister ako pero hindi ko man lang magawang maging masaya..
"Ayos ang grade mo ah pero bakit parang hindi ka masaya?"
"Ah mas mataas pa kasi yung ineexpect ko eh."
"Maging masaya ka na lng at PL ka," sabi nito kaya naman ngumiti na lamang ako rito.
Zafirah's POV
Nandito kami ngayon sa university dahil kukunin nga namin ang marka namin.Nagkasalubungan kami ni Xander kasama nito si Sophie.
Nginitian ko na lamang sila tapos ay nagpatuloy na nga sa paglalakad.
"Kung wala lang siguro sa picture si Sophie baka masaya pa kayo ni Xander ngayon noh," nanghihinayang na saad ni Kirsten.
"Di ba nga fake lang naman 'yung relationship nila kaya wala rin."
"Sabagay."
"Tama na nga 'yan. Ako na naman pinagchichismisan niyo eh."
"Takpan mo na lang tenga mo para hindi mo kami marinig," sabi ni Janina tapos nagtawanan sila.
Tss!
"Yes!" rinig kong masayang sabi ni Janina ng makuha na niya ang marka niya.
"B ako sa math."
Lahat ng kasama ko masaya sa mga nakuha nilang marka habang ako nakatitig lamang sa marka ko.
C+ ako sa average score ko. 80 in numerical grade.
"Zafirah ok ka lang?" tanong sa akin ni Marc.
"Ha. Ah ok."
Pauwi na ako ngayon sa bahay at hindi ko pa rin alam kung paano ko ipapakita 'tong marka ko.
Nang makarating na ako sa bahay ay agad akong nagbeso kay mama.
"Kumusta ang grades?" nakangiti nitong tanong sa akin.
"Ah ano kasi eh. . ."
"Zafirah Mae Tan," agad akong napatingin sa boses kung saan ito nanggagaling at dun ko nakita si papa na galit na galit.
"Papa," sabi ko habang magmamano pa sana kaya lang isang sampal lamang ang natanggap ko rito.
"B-bakit?" tanong ko habang nakahawak pa sa pisngi kong sinampal nito.
"Nagtanong ka pa."
"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Una nakapagbar ka na kahit wala ka pa sa tamang edad tapos ngayon itong marka pong otsenta.! Isang puntos na lang line of seven na ang marka mo."
"Paano mo. . ?"
"Paano ko nalaman? Simple lang. Nung hindi ka dito natulog pinaimbestigahan ko kung saan ka nanggaling at dun ko nalaman na hindi ka naman talaga natulog kanila Janina. Tapos ngayon kumuha ako ng kopya sa TU ng marka mo at dun ko nga 'to nakita."
"Ganito ba ang gusto mo? Nagrerebelde ka na rin tulad ng kuya mo ha?"
"Bakit? Hindi ba masamang isipin ko naman ang sarili ko kahit paminsan minsan lang. Buong buhay ko kayo na lang sinusunod ko. Ni hindi ako nagreklamo nung pumasok ako sa kursong business administration. Sa kursong hindi ko naman gusto pero wala kang narinig sa akin. Kahit alam kong hindi pangarap ko ang matutupad kundi pangarap mo."
"Ganyan ka naman eh! Lahat na mali ng iba nakikita pero sarili mong pagkakamali ni minsan hindi mo man lang tiningnan."
"Wala kang modong bata!"
"Oo! Wala na kong modo kung wala akong modo. Pagod na ko. Pagod na kong kontrolin mo. Pa, anak mo ko hindi isang robot na walang kapaguran. Tinuturing kitang ama pero ni minsan hindi ko naramdaman na nagpakaama ka.. Ni katiting lang na pagmamahal wala akong nararamdaman," umiiyak kong sabi habang naggesgesture pa sa kanan na kamay ko ng konti.
"Sana hindi ka na lang gumawa ng anak kung hindi mo naman pala tratratuhin na anak. Gumawa ka na lang sana ng puppet na susunod sa lahat ng sasabihin at ipapagawa mo," sabi ko at tumalikod na nga ako sa kanya at nagsimula ng maglakad paalis ng biglang sumigaw si mama.
"Antonio!" rinig kong sigaw ni mama dahilan upang manigas ako sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Teen FictionTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...