Zafirah's POV
Magkasama kami ngayon ni Kirsten dahil katatapos pa lang ng klase namin at kasalukuyang vacant namin kaya napagdesisyunan naming dalawa na maglakad lakad muna.
"Alam mo may napapansin ako sa'yo eh," sabi ni Kirsten.
"Ano naman?"
"Parang ang saya saya mo tsaka blooming ka eh. Sabihin mo nga sa akin. Ano bang nangyari kahapon?"
"Wala."
"Wala? Sigurado ka?" hindi siya kumbinsido sa aking naging sagot.
"Nagdate lang naman kami ni Xander. Then?" tanong ko pero binigyan niya lang ako ng isang nakakalokong ngiti.
"Ano ba kasing pinaguusisa mo ah Kirsten?" tanong kong muli sa kanya at umupo na kaming dalawa sa bench na naririto sa meteor garden ng dalhin kami ng aming mga paa rito.
"May nasesense kasi ako sa'yo eh."
"Ano naman yun aber?"
"Aba ewan ko. Kaya nga ako nagtatanong di ba." Pag-irap niya pa.
"Sabagay tama ka naman diyan."
Naalala ko na naman tuloy yung panaginip ko.
Nasa loob kami ngayon ng kotse ni Xander.
"Sabihin mo nga sa akin Zafirah. May nararamdaman ka na ba sa akin?"
"Sa totoo lang Xander. Alam kong hindi pwede pero ito na eh. Sa tingin ko gusto na kita."
"Gusto rin kita Zafirah," sabi niya at naglean forward siya sa akin para halikan ako.
Pero hindi natuloy yung paghalik niyang iyon dahil nagising naman agad ako.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ganun yung panaginip ko. Naguguluhan na nga ako sa sarili ko eh. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Mayroon something sa dibdib ko na kinakabahan kapag kasama ko siya pero pinipilit ko pa ring magpanggap na wala lang 'tong nadadama ko. First time ko talaga itong naramdaman eh.
Mas nagpagulo pa tuloy sa aking utak yung tungkol sa panaginip ko.
"Hoy, ano na naman bang iniisip mo diyan?"
"Wala ah."
"Sige, kunwari na lang naniniwala ako," wika niyang muli pero hindi ko na lang inintindi.
Sophie's POV
Nagtungo ako sa cafeteria kung nasaan si Patrisha. Nang makita ko siya ay padabog akong umupo sa harapan niya.
"Nakakainis talaga!"
"Wait. Chill ka lang ok."
"Paano ako magrerelax Patrisha? Nakakainis naman talaga si kuya eh."
"Bakit naman?"
"Kasi. . ." saad ko at sinimulan ko ng ikwento sa kanya ang nangyari.
"Kuya I have a favor sa'yo."
"Ano yun? Basta kaya kong gawin ah.."
"Of course you can do it."
"Then tell me."
"Court Zafirah."
"Zafirah, as in Zafirah Mae Tan na girlfriend ni Xander?"
"Yup," sabi ko habang tumatango tango pa.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Teen FictionTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...