MUL 15

1.5K 38 7
                                    


Bryan's POV

Vacant ko ngayon at nakaupo lang ako dito sa bench. Masyadong occupied 'yung utak ko ngayon matapos kong malaman 'yung totoong namamagitan dun sa dalawa.

"Sophie may tanong ako?"

"Ano 'yun kuya?"

"Kaano ano ni Xander si Zafirah?" tanong ko at napatigil siya sa ginagawa niya pero ng makarecover siya ay bumalik din sa ginagawa na para bang wala lang sa kanya yung tinanong ko.

"Well, masakit man sabihin pero mag on sila."

"You mean. . ."

"Yup,"aniya habang tumango pa.

"Si Zafirah 'yung girlfriend ni Xander na kinaiinggitan ko at pinaseselosan."

"Sila pala," bulong ko sa sarili ko.

Matapos kong malaman ang bagay na iyon parang may bumigat ang pakiramdam ko. Anong kayang ibigsabihin nito?

Nakaupo lang ako ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Kapatid ka pala ni Sophie."

"Yeah. Ikaw naman hindi mo sinabi na boyfriend mo pala si Xander," sabi ko at nagkatinginan kami at mga ilang segundo rin ay nagtawanan kami.

"Grabe noh. Hindi lng pala tayo basta magkakilala mayroon rin palang mga tao ang naguugnay sa atin," sabi ko.

"Oo nga eh 'yun nga lang mag-ex pa."

"Alam mo tama ka diyan Zafirah. Siguro dahil sa may past sila eh malay mo tayo pala ang magkasama sa future," sabi ko at tinawanan niya lang ako.

"Grabe Bryan. Benta 'yun ah pero malay mo. Hindi natin alam," sabi nito habang natatawa pa ako naman ay ngumiti na lamang.

Napakasarap pakinggan ng tawa niya. Parang tawa ng isang anghel.

"Ah Bryan," napabalik na lang ako sa realidad ng narinig kong tinawag niya ako.

"Ahh bakit?"

"Alis na ko ah," paalam niya sa akin.

"Sige," sabi ko at ngumiti.

"Bye bye," sabi nito habang nagwe-wave pa ng kanang kamay niya.

Ewan, napakacute at napakaganda talaga ng babaeng 'to. She never fails to make me smile.

Zafirah's POV

Naglalakad ako ng makasalubong ko si Sophie. Nagngitian kami at lalampasan ko na sana siya kaya lang bigla niya akong tinawag dahilan upang mapatigil ako.

"Zafirah." Nagbuntong hinga ako at ngumiti ako pagkaharap ko sa kanya.

"Bakit?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Ahh gusto ko lang sanang sabihin na alagaan mo si Xander dahil baka isang araw mawala siya sa'yo," nakangiti niya ring saad. Ok?

"Talagang gagawin ko 'yan kahit hindi mo man sabihin."

"Sana magtagal kayo."

"Sana nga," sabi ko at nagbow sa kanya na parang nagsasabing 'una na ako' at siya naman ay tumango lang dahilan upang maglakad na nga akong paalis.

Well she's beautiful at ang sabi ng karamihan ay maldita raw si Sophie but as I can see she's not. Siguro kapag threatened siya.

Maybe she said things like what she said earlier yet I think she only said it because she is now ready to fight for Xander. Mukhang magiging masaya si Xander pagnalaman niya 'yung sinabi sa akin ni Sophie. Ang sabi kasi ni Xander kaya niya ako ginawang fake GF dahil gusto niyang ipakita kay Sophie na nakapagmove on na siya also to get his sweet revenge pero ang sabi niya rin ay sa oras na maayos na ang lahat magiging sila ulit.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon