MUL 45

1.1K 32 3
                                    

Zafirah's POV

"Huwag ka kasing malikot," sipi ni Janina habang tinutulungan ako dito sa damit ko.

Ngayong araw na kasi 'yung sinasabing fashion contest kaya nandito kami ngayon sa condo ni Janina.

Nandito kasi 'yung damit na ginawa niya tsaka dito niya na rin ako minake upan.

Pwede rin naman kasing magmake up artist 'tong babaeng 'to dahil magaling rin siya sa make up.

"Oo na nga."

"Ayan tapos na. Tadah," saad nito at hinarap ako sa salamin.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Sa totoo lang nakakakita ako ngayon ng isang magandang babae sa salamin. Isang magandang babaeng nakasuot ng puting dress at silver sandal.

Ang  sabi ni Janina pixie inspired daw itong denisign niya.

Ngayon ko lang nalaman na maganda rin pala ako tulad ng iba.Tulad ni Zychela na kapatid ko na siya na lang laging pinupuring maganda. Ni minsan hindi ako naniwala na maganda ako pero ngayon parang gusto ko ng baliktarin ang paniniwala ko.

"Speachless? Sabi ko naman kasi sa'yo Firah. Maganda ka."

"Maganda ako kasi suot ko ang damit na ginawa mo tsaka inayusan ako."

"Ewan ko ba sa'yo. Masyado kang walang tiwala sa sarili mo. Mamaya, huwag mo kong ipapahiya ah."

"Try ko," saad ko tapos ay binatukan naman agad ako nito.

Kahit kailan talaga ang sadista ng babaeng 'to.

"Anong i-try mo? Gawin mo. Tss."

"Oo na. Baka masira pa 'tong pinaghirapan mong pag-a-ayos sa akin."

"Halika na nga pala. Punta na tayo ng campus."

"Anong punta ng campus?"

"Di ba dun 'yun gaganapin?"

"Oo kaya lang pipicturan muna kita."

"Ano?"

"Sige na," saad nito ng may hawak ng camera.

"Janina ano ba? Halika na nga."

"Hindi tayo dito aalis hangga't hindi ka nagpapapicture."

"Eh di huwag. Sino naman may gustong sumama ako dun."

"Firah naman kasi eh. Sige na," sabi nito tapos nagpout pa tapos puppy eyes.

Bakit ba kasi ang cute ng bestfriend ko pagginagawa 'yan?

"Oo na."

"Yehey! Sige na pose na," saad nito ng nakangiti kaya naman ngumiti na lamang ako.

"Oh ayan. Napicturan na kita pwede na tayong umalis.

****
Nandito na kami ngayon sa kotse patungong university.

"Basta tandaan mo lahat ng tinuro ko sa'yo."

"Opo ma'am."

"Tsss."

Nang makarating na nga kami sa university ay agad kaming dumiretso sa parang waiting room.

Pagpasok namin sa room ay kitang kita mo na ang mga models at ang mga designers nila.

"Hi Zafirah. Hi Janina," saad ni Sophie ng makalapit sa aming dalawa.

Nakaayos 'yung buhok niya na hindi naglalay pero may konting buhhok sa gilid.

Simple din ang make up niya. Nakasuot siya ng black strapless gown na talagang bagay sa kanya. Na pinaartneran ng elegant necklace and earings.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon