Zafirah POV
Naglalakad ako dito sa hallway ng biglang may umakbay sa akin.
“Ano? Nagustuhan mo ba ‘yung gift ko sa’yo?”
“Ang alin ba?”
“Huwag ka na ngang magmaang maangan diyan Zafirah. Sige na. Nagustuhan mo ba?”
“Hindi,” sabi ko kaya naman tumigil ito sa paglalakad ako naman tumigil rin at lumingon rito.
“I don’t like it ‘cause I love it,” sabi ko at lumiwanag na naman ang mukha nito at inakbayan na naman ako.
“Sabi ko na nga ba at magugustuhan mo eh. Anong gusto mong pangalan dun sa anak natin?” tanong nito dahilan upang mapatingin sa amin ang mga taong nakarinig ng sinabi ni Xander.
“Anong anak natin?”
“Yung bear. Ano ka ba naman?”
“Ewan ko nga sa’yo.”
“Ano na nga kasi?”
“Hindi ko nga alam,” naiinis ko ng sabi tapos tumigil na naman ito kaya naman tumigil na rin ako at lumingon ulit dito.
“Ano na naman ba ‘yan?”
“Nag-iisip lang ako ng pwedeng pangalan ng anak natin,” sabi nito kaya naman napailing na lamang ulit ako.
“Ah! Alam ko na.”
“Anong alam mo na?”
“Xanderah.”
“Anong Xanderah?”
“Yun ang pangalan ng anak natin Zafirah. Pinaghalong pangalan natin. Di ba astig?” tanong nito kaya naman nagroll eyes na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
Sophie’s POV
Naglalakad ako ng makasalubong ko si Xander.
Ngumiti na ako rito at nakahanda na akong batiin ito pero nilampasan lang ako nito kaya naman sinundan ko na lamang ito ng tingin at dun ko nakita na si Zafirah pala ang hinahabol niya tapos inakbayan niya pa ito na parang hindi sila magkaaway.
Sandali.
Akala ko ba magkaaway sila.
***
Nakaupo ako ngayon dito sa library tapos dumating naman si George.“Bakit Sophie?”
“Akala ko ba magkaaway na sila Zafirah at Xander?”
“Oo nga. Witness ako kung paano hindi pansinin ni Zafirah si Xander.”
“Ba’t ang sweet sweet nila? Kahit na medyo naiinis si Zafirah kanina nakikita ko na hindi sila magkaaway. Ako ba pinagloloko mo?”
“Totoo nga na nag-away sila pero malay natin na nagbati na pala sila.”
“That fast? Ni hindi pa nga ako nakakagawa ng move para mapalapit kay Xander tapos bati na agad sila?”
“Mukhang matatag talaga ang samahan nila Sophie.”
“What are you trying to say? Namaggive up na ako? FYI I am Sophie Alvarez and I get what I want by hook or by crook. Tsaka isa pa it’s your job na painlovin si Zafirah so do your job well.”
Zafirah’s POV
Nasa canteen kami ngayon at kasama ko si Kirsten and umm Xander.“Say ahhh Zafirah.”
“Pwede ba Xander tigilan mo ko.”
“Ba’t naman?”
“Oo nga Zafirah. Ang cute niyo ngang tingnan eh.”
“Pwes ako naiinis.”
“Bakit? Hindi ka ba kuntento sa malaadonis mong boyfriend?”
“Wow as in spell wow. Huwag kang masyadong mayabang at baka tangayin ako.”
“Kumain ka kasi ng marami. Ang payat payat mo kasi.”
“Fine. Ako na ang payat. Anong magagawa ko? Kahit anong kain ko payat pa rin ako.”
“Ok lang ‘yan Zafirah. Loves pa rin naman kita eh.”
“Yun oh.”
“Tigil tigilan niyo nga akong dalawa.”
“Zafirah bisitahin ko naman ang anak natin.”
“ANAK?” gulat na tanong ni Kirsten.
“Oo. Anak namin ni Zafirah. Si Xanderah. ‘Yung teddy bear na bigay ko sa kanya kahapon.”
“Ahh. Akala ko naman kung ano.”
“Ang dumi ng pag-iisip mo.”
“Hindi kaya. Ang mga pinagsasabi mo naman kasi Xander eh.”
“Ano naman masama sa anak? Porket teddy bear hindi na pwedeng maging anak namin ni Zafirah.”
“Hindi naman ganun ang ibigsabihin ko. Grabe ka naman Xander.”
“Ako pa ngayon ang grabe. Hindi joke lang ‘yun Kirsten,” sabi ni Xander kaya naman napailing na lamang ako.
“Guys punta lang pala ako ng library,” paalam ko sa kanila.
“Samahan na kita,” sabi naman ni Xander.
“Hindi. Huwag na. May next class ka na kaya. Sige babye,” sabi ko at umalis na nga.
Hinanap ko na ang kailangan kong libro at umupo na nga.
Habang may binabasa ako ay may biglang tumabi sa akin.
“Musta?”
“Oh George ikaw pala.”
“Balita ko ayos na raw kayo ni Xander.”
“Ah oo nga eh.”
“Then good pero Zafirah hindi naman sa paninira pero di ba seloso nga si Xander. Hindi kaya magalit si Xander na magkasama tayo alam mo na. Mahirap kasi ang ganung boyfriend eh. Naranasan ko na rin magkaroon ng girlfriend na ganun pero hindi nagwork kaya break up ang ending namin pero malay mo naman iba ang maging ending niyo sa ending namin. Payo ko lang sa’yo huwag kang masyadong panatag na magkabati kayo ngayon lalo pa’t isang Casanova ang boyfriend mo. Sige alis na ko,” sabi nito at umalis na nga.
Ba’t ba ko naapektuhan sa mga sinabi ni George samantalang dapat wala lang sa akin dahil fake relationship lang naman ang meron kami ni Xander.
No more, no less.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Teen FictionTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...