MUL 55

1K 29 4
                                    

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Zafirah. Ibalik mo si Xander sa anak ko?"
 
"Ho?" tanong ko at lumuhod na nga ito.

"Ano hong ginagawa niyo?"

"Wala akong kwentang ina dahil hindi ko man lang nadamayan ang anak ko sa mga oras na kailangan niya ako. MIserable ngayon si Sophie at 'yun ay dahil sa pakikipaghiwalay sa kanya ni Xander. Mas kailangan niya si Xander kaysa sa'yo Zafirah. Kaya ngayon nagmamakaawa ako sa'yo Zafirah. Ibalik mo na lang si Xander kay Sophie," umiiyak nitong saad habang nakaluhod pa rin.

"Tita."

"Nagmamakaawa ako sa'yo Zafirah."

"Huwag po kayong mag-alala tita. Bukas na bukas din ay pipilitin ko si Xander na bumalik kay Sophie. "

"Maraming salamat Zafirah," saad nito kaya napangiti na lamang ako ng pilit.

Nabalik na lamang  ako sa realidad ng kalabitin na ako ni Xander.

"Zafirah ok ka lang ba?"  tanong  nito.

"Ok lang ako noh. Saan ang una nating stop?"

"Gusto mong kumain?"

"Sige ba. Saan?"

"Karinderya?"

"Game," saad ko at naghanap na nga kami ng karinderya.

Nang makarating kami sa isang karinderya ay agad naman kaming nagorder.

"Naalala mo ba nung birthday mo at sabi mo gusto mong magshopping sa isang ukay-ukay?"

"Oo naman. Isa 'yun sa pinakamasayang birthday ko."

"Isipin mo nang dahil rin sa secret mo ay naging mas close tayo."

"Oo nga eh. Kung hindi mo sana ako blinackmail eh di hindi ko kailangang magpanggap na girlfriend mo."

"Pasalamat ka nga dun dahil nakasama mo ang isang gwapong nilalang na nagngangalang Xander Henares."

"Aba! Mayabang kamo."

"Hahahaha. Sabagay tanggap ko naman."

"Ayan tapos na tayong kumain. Saan naman?" tanong nito ng  matapos na nga kaming kumain.

"Nood  tayo ng movie," suggest ko naman."

"Sige," pagpayag nito at pumunta na nga kami sa movie house.

Nang makarating kami ay agad naman kami nitong nagtalo kung ano ang papanonoorin namin.

Gusto ko ay drama pero ito namang Xander na 'to ay action raw.

After 1 year ng pagtatalo namin ay napagdesisyunan namin na romantic comedy na lang.

Nanonood kami ngayon ng isang romantic comedy na movie at ng may part na nakakatawa ay agad namang sinamantala ni Xander ang pagkakataon para kunin ang kamay ko para holding hands kami kaya agad ko naman itong inalis at piningot siya.

"Grabe ka makapagtake advantage," saad ko  rito ng matanggal ko na ang kamay ko sa tenga niya.

"Sige naman kasi Zafirah. Makipagholding hands ka naman sa akin."

"Aba! magtiis ka diyan," saad ko at ibinalik ko ang tingin sa big screen.

Kita ko sa aking peripheral view na napapout na lamang ito habang hinihimas ang piningot kong tenga niya.

Aaminin ko na cute talaga siya lalo na sa ganyang expression.

Pagkatapos naming manood ng movie ay kumain kami ng lunch sa isang fast food chain.

After that ay nagpapicture kami sa photobooth.

May apat siyang posing.

'Yung unang pose namin ay nakapeace sign kami. 'Yung pangalawa naman ay nagpout kami. Pangatlo naman ay inakbayan ko siya ngunit  hinila ko siya papalapit sa akin at nag-arte ako na susuntukin ko siya.

Nakahanda na kami sa pang-apat na pose.

Plain lang akong nakangiti nang bigla ako nitong halikan sa pisngi kaya naman nanlaki ang mata ko at 'yun ang nakuha sa shot.

'Yung panglast pa naman ang  dun sa may malaking picture.

"Kahit kailan ka talaga Xander masyado kang mapagtake advantage."

"Aray naman Zafirah! Ayaw mo nun? Cute 'yung picture natin."

"Cutin mo mukha mo."

"Talaga namang cute eh."

"Tse."

Sunod naman ay nagarcade kami.

Akalain mong magaling palang mag-arcade ang lalaking 'to.

Nang matapos kaming magarcade ay gabi na.

Napagpasyahan naming pumunta na lang sa amusement park.

Sumakay kaming dalawa sa carousel.

Maagkasama kami sa isang horse.

"Bakit mo ko mahal?" tanong ko rito.

"Sa totoo lang Zafirah hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong pakielam kung ikaw 'yung apo ng may-ari ng Tan University o 'yung simpleng college girl na ayaw sa attention. Minahal kita dahil ikaw 'yan. Ikaw si Zafirah Mae Tan," napangiti na lamang ako ng malungkot dahil sa sagot nito.

Pagnatapos na ang pag-ikot ng carousel na ito ay matatapos na rin ang kaugnayan ko sa isang Casanova na nagngangalang Xander Henares.

Kung pwede lang sana na itigil muna ang oras upang makasama ko siya ng mas matagal ngunit hindi na maari.

Ito na ang pinakakinakatakutan ko, ang pagtigil ng carousel.

Unang nakababa si Xander habang ako naman ay nagbuntong hininga muna habang nakapikit pagkatapos ay bumaba na rin.

"Xander."

"Bakit? Gusto mo na bang umuwi?" tanong nito pero iling na lamang ang sagot ko.

"Gusto mo pa bang sumakay sa rides?" umiling na naman ako.

"Xander bumalik ka na kay Sophie," saad ko dahilan upang mapatingin ito sa aking mga mata.

"Bakit? Ano bang pinagsasabi mo? Kung pinakiusapan ka ni Sophie. . ."

"Hindi Xander. Makinig ka sa akin. Bumalik ka na kay Sophie. Mas kailangan ka niya kaysa sa akin."

"Sabihin na nating mas kailangan niya ako pero Zafirah ikaw ang kailangan ko hindi siya."

"Xander naman. Huwag mo naman akong pahirapan. Iwanan mo na lang ako at bumalik ka na sa kanya."

"Mauna na muna ako," saad nito at tatalikod na sana.

"Sana  maintindihan mo ko. Kung ako lang masaya ako na kasama ka. Ayaw kitang  umalis at iwan ako pero hindi  rin maatim ng konsensya ko na habang ako masaya may iba namang nagdurusa ng dahil sa akin. Hindi ko kaya 'yun  Xander. Hindi ko kaya. Pasensya ka na at mahinang tao ang pinili mong mahalin," saad ko at tumalikod na nga at nagsimula ng maglakad paalis.

Nasasaktan ako dahil papakawalan ko na naman ang taong mahal ko.

Pero anong  magagawa ko?

Tulad ng sinabi ko. Hindi ko kaya na may nasasaktan ng dahil lang sa akin lalo pa't nagmakaawa si tita para sa anak niya.

Hindi ko naman siya masisisi.

Anak niya 'yun eh.

Sana lang kayanin ko.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon