MUL 51

1K 27 1
                                    

Xander's  POV
Bakit 'yung dalawang babaeng mahalaga sa akin ay kailangan masaktan?

Bakit kailangan pang maghirap ang babaeng  mahal ko?

Bakit kailangan pang Mukhang alam ko na. umiyak ng babaeng minsan ko ng inibig?

"Parang malalim 'yan na iniisip mo ah," puna sa akin ni Leo.

"Hindi lang parang, malalim talaga."

"Tungkol ba saan?" tanong nito pero nagbuntong hininga na lamang ako.

"Mukhang alam ko na. Tungkol ba kay Zafirah? O kay Sophie?" tanong muli nito kaya naman tiningnan ko na lamang siya.

"So silang dalawa ang dahilan."

"Ano bang nangyari?"

"Nung isang gabi ay nakita ko si Zafirah na umiiyak. Hindi ko natiis kundi lapitan at i-comfort siya."

"Masaya ka dahil dun sa ginawa mo?"

"Oo naman. Masaya ako dahil kahit papano ay naging dahilan ako kaya napagaan ko ang loob niya."

"Pag-ibig nga naman," sabi nito habang umiiling iling pa.

"Yung kay Sophie naman?"

"Tinawagan ako kahapon ni Bryan na hindi daw lumalabas si Sophie at hindi pa kumakain kaya naman nagworry ako at pinuntahan siya. Sa totoo lang gusto ko talagang makipaghiwalay na sa kanya kaya lang nung umiyak siya sa akin hindi ko na nagawa. Alam kong hindi na siya ang mahal ko pero hindi naman ako sobrang sama na makikipagbreak sa kanya sa ganun niyang kalagayan."

 "Sabagay lalo pa't may pinagsamahan naman talaga kayo nung tao. Pero Xander maipapayo ko lang sa'yo gawin mo na as soon as possible dahil kapag mas tumagal pa ay mas masasaktan lang siya."

"Oo. Gagawin ko agad."

Mahirap man gawin para sa akin pero tama naman talaga si Leo.

Mas masasaktan lang si Sophie habang nagtatagal 'to pero hindi muna ngayon.

Hindi muna.

Zafirah’s POV
Simula ng nahospital nga si papa ay nawalan na naman ako ng  gana sa buhay ko.

Halos lagi lang akong nasa kwarto ko at dun nakatambay.

Ang kadalasan kong  ginagawa ay matulog. Sa paraan kasi ng pagtulog kahit sa konting panahon lang ay mawawala ako sa realidad. Makakalimutan ko ang sakit na nararamdam ko.

Nakahiga lamang ako sa aking kama ng biglang may kumatok sa aking pintuan. Hindi na lamang ako nagsalita ngunit bumukas pa rin ang pintuan at dun na nga pumasok si Zychela.

Umupo siya may paanan ng kama ko.

 "Ate," tawag nito sa akin pero hindi ko inintindi.

"Unnie alam kong maraming pagkukulang si daddy sa'yo pero hindi ka man lang ba dadalaw sa kanya. Ngayon niya tayo kailangan," dahil sa sinabi ni Zychela ay napatingin ako sa kanya at umupo na nga.

"Bakit? Nung mga panahon bang kailangan ko siya nandito ba siya? Di ba wala? Bakit ko siya pupuntahan?" teary eyed kong sabi.

"Ate naman. Iba naman ngayon. Nasa hospital si daddy at may pag-asang baka hindi na siya magising. Wala ka man lang bang pagmamalasakit sa kanya kahit konti?"

"Pagmamalasakit? Marami Chela marami pero sapat ba 'yun para pumunta ko dun. Anong mapapala ko? Pagtatabuyan lang ako dun. Ipapamukha lang nila sa akin na kasalanan ko. Bakit? Si  papa lang ba ang naghihirap? Kayo lang ba? Ako rin naman ah. Ni minsan hindi niyo inintindi ang nararamdaman ko samantalang ako bawat salita na lumalabas sa bibig ko, bawat gagawin ko iniisip ko ang mararamdaman niyo," mangiyak ngiyak kong sipi.

"Zychela hindi naman kasi ikaw 'yung nakaranas na maliitin. Hindi ikaw 'yung kinukumpara sa ibang tao. Hindi ikaw 'yung pinagsasalitaan ng masasakit na salita. Tinuturing  mo siyang  hero mo dahil lagi siyang nandiyan para sa'yo. Sinusuportahan ka niya sa lahat ng gagawin mo. Ni hindi niya man lang magawang  magalit sa'yo dahil sinuway mo siya tulad nung nagboyfriend ka pero samantalang ako bawal magkamali,  bawal magkulang. Kung tinuturing mo siyang isang hero mo ang turing ko naman sa kanya isang villain na walang ibang gustong gawin kundi saktan ako. Saktan ako ng paulit ulit."

"Nagmamalasakit ako sa kanya. Inaamin kong mahal ko siya. Ano pang magagawa ko? Siya ang ama ko eh pero Zychela  tao  rin ako at nasasaktan. Hindi ba ako pwedeng magpahinga na muna?"

"I-i'm sorry. I'm sorry dahil pinipilit kitang puntahan si daddy. Sorry din dahil pinalalabas ko na wala kang malasakit sa kanya. Inaamin ko na  sinisi kita dahil nasa hospital si daddy pero hindi ko man lang inisip 'yung nararamdaman mo. I'm sorry," saad nito at tumayo na nga't lumabas na ng kwarto ko.

Napapikit na  lamang ako at sunod sunod na tumulo ang mga luha ko.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon