"Saan ka nanggaling?" bungad na tanong sa akin ni papa pero hindi ako nakasagot.
"Ano? Hindi ka ba sasagot? Ang sabi sa akin ni Zychela ay umalis ka raw kagabi kahit umuulan tapos ngayon ka lang umuwi. Kapag tinatanong ka sumagot ka!"
"Umalis ako kagabi kasi yung kaibigan ko natagpuan sa gitna ng kalsada habang umuulan at inaapoy pa sa lagnat."
"Anong responsibilidad mo sa kaibigan mong yun? Di ba sabi ko hindi kayo pwedeng umalis paggabi na lalo pa't umuulan kagabi."
"May responsibilidad ako sa kanya dahil kaibigan ko siya."
"Kaibigan mo lang siya. May pamilya naman siya. Ba't hindi yun yung pumunta dun? Ganun ba kaimportante yung kaibigan mong yun at nagawa mo akong suwayin?"
"Oo pa importante yung kaibigan ko."
"Bakit? Siya ba ang nagpapakain sa'yo? Siya ba ang nagpapaaral sa'yo? Siya ba ang nagbibigay sa'yo lahat ng kailangan mo? Hindi, dahil darating ang araw na iiwan ka rin ng sinasabi mong kaibigan. Simula pa lang na nasa sinapupunan ka ng iyong ina, pamilya na ang nagbigay lahat ng kailangan mo. Bilang ama mo kailangan kitang disiplinahin. Simula ngayon grounded ka for 2 months. No gadgets at pagpapabakusyunin ko ang mga katulong natin ng ikaw na ang gumawa ng lahat ng gawain nila."
"Antonio ano ka ba naman? Hindi yan kakayanin ni Zafirah lalo pa't may pasok siya. Tsaka isa pa hindi siya marunong sa gawaing bahay," wika naman ni mama.
Pambihira siya nga 'tong walang ibang inatupag kundi ibang tao eh.
"Kaya nga grounded siya ng may oras siya sa paggawa dito sa bahay."
"Napakasama mo," bulong ko sa sarili at tumakbo papunta sa aking silid.
Dun ko na pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong tumulo. Alam kong mali ako pero grabe siya. Napakasama niya. Hindi ko lubos maisip na ama ko talaga siya. Wala na siyang ibang ginawa kundi bigyan ako ng pasakit.
Narinig kong may kumatok at bumukas ang pinto.
"Zafirah anak pagpasensiyahan mo na ang papa mo."
"Lagi na lang ba akong magpapasensya sa kanya?"
"Shh tama na sa pag-iyak baka makita ka pa niyang umiiyak."
"Ano naman ngayon kung makita niya akong umiiyak? Bawal na ngang magreklamo. Bawal na ngang pumalpak tapos bawal pang umiyak. Yun na nga lang yung paraan para mailabas ko lahat ng sakit pagbabawalan pa rin ako. Ano pang bawal ha?"
"Zafirah alam kong nasasaktan ka pero mas magagalit ang papa mo pagnakita at nalaman niyang umiyak ka. Ba't ba kasi hindi ka na lang humingi ng tawad sa kanya? Pwede pa namang magbago ang isip niya dun sa parusa niya sa'yo?"
"Ba't ko naman gagawin yun? Alam kong may mali ako pero kung ginawa ko yun parang pinakita ko na rin na nagsisi ako dun sa ginawa ko kasi kahit kailan hindi ako magsisi na tumulong ako sa isang kaibigan na kailangan ako."
"Hindi ko alam kung saan kayo nakakakuha ni Albert ng tapang para sumuway kayo sa papa niyo."
"Alam mo kaya mo naman eh takot ka lang tsaka masyado kang martir."
"Aminin niyo man sa hindi alam kong takot rin kayo lalo ka na. Alam kong takot ka rin sa papa mo hindi nga lang tulad ng pagkatakot ko."
"Alam ko naman kung kailan kailangang tumigil ang bunganga ko."
"Basta anak ah. 'Wag kang sasagot sa papa mo ng pabalang kahit anong gawin mo irespeto mo pa rin siya dahil ama mo siya," sabi niya kaya tumango na lamang ako.
"Sige, alis na ko," sabi niya at lumabas na siya ng aking silid.
Buti nga at may self control ako at hindi ko nasasagot si papa ng pabalang at kung mangyari man yun goodluck na lang sa akin.
Pinapagana ko pa naman ang utak ko. Alam ko kung anong kayang gawin ni papa at aaminin ko na kahit ganito ako ay takot ako sa kanya.
"Basta anak ah. 'Wag kang sasagot sa papa mo ng pabalang kahit anong gawin mo irespeto mo pa rin siya dahil ama mo siya."
Ewan ko pero naalala ko yung sinabi ni mama kanina.
RESPETO. Dapat ko siyang sundin dahil sa respeto. Minsan nga iniisip ko na ba't kailangang respetuhin ang isang taong hindi naman karesperespeto. Oo nga't marami ang nagrerespeto sa kanya dahil sa katayuan niya pero ako sinusunod ko siya dahil sa takot. Oo nga't takot ako sa kanya pero syempre kasama na rin doon ang respeto pero mas mananaig ang takot.
Emilia's POV
Narito ako ngayon sa silid namin ni Antonio at sinusubukan siyang kumbinsihin na bawiin ang sinabi niya.
"Maawa ka naman sa anak mo Antonio."
"Pwede ba Emilia! Paano matututo yan na anak mo kung hindi bibigyan ng leksyon?"
"Hindi mo ba narinig na ginawa niya yun para sa isang kaibigan."
"Kaibigan? Dapat pamilya ang inuuna."
"Oo nga tama ka, dapat pamilya ang inuuna pero di mo ba nakikita ang sarili mo. Dati barkada din ang inuuna mo kesa sa aming pamilya tapos ngayon trabaho naman. Tapos magsasalita ka na dapat pamilya ang inuuna."
"Huwag na huwag mo kong pagsasalitaan ng ganyan. Baka nakalimutan mo kung sino ako sa pamilyang 'to. Ako pa rin ang padre de pamilya kaya ako ang masusunod. Asawa lang kita kaya wala kang karapatang pagsabihan at diktahan ako," sabi niya at padarag na lumabas na ng kwarto. Napaupo na lamang ako sa kama at humikbi.
Zafirah's POV
Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang nangyari kahapon.
"Hoy Firah kanina pa kita kinakausap," saad ni Janina.
"Ha? Ano bang sinasabi mo?"
"Naku! Hindi ka naman pala nakikinig eh."
"Si Marc nasaan pala?"
"Ayun kasama ata yung Sandara ba ang pangalan nun," aniya at tumango tango na lamang ako.
"Sandali nga. Is there something wrong Firah?"
"Naku, wala noh."
"Ok. Alam ko naman na hindi kita mapipilit eh. So ito, what do you think of my designs?" tanong niya sabay pakita ng mga ginuhit niya sa iba't ibang bond paper.
"As always maganda."
"Katulad mo, maganda." Napalingon ako sa nagsalita.
"Oh ikaw pala Xander."
"Um sige Firah ah una na ko." Ngumiti pa siya ng parang kinikilig at kinuha na ang kanyang bag at umalis na.
"Salamat talaga," aniya ng makatabi na sa akin.
"Ano ka ba nung isang araw ka pa nagpapasalamat sa akin ah."
"Hindi ako masasawang magpasalamat sa'yo. Bihira lang kasi ang taong handang magtiyaga sa akin eh."
"Hay naku, baka mapuno na yung inbox ng tainga ko sa pasalamat mo."
"Hahaha nagjojoke ka pala," sabi niya with matching sarcastic na tawa.
"Ewan ko sa'yo," sabi ko tapos bigla na lang akong nakaramdam ng malamig na bagay sa aking pisngi. Hinalikan niya ako sa pisngi tapos bigla siyang tumakbo.
"Hoy para saan yun?" pasigaw kong tanong at tumigil siya't humarap sa akin.
"Pasasalamat ko sa'yo," sabi niya at kumindat pa tapos nagpatuloy sa pagtakbo.
Ba't ganun? Bakit parang bumilis ang pintig ng puso ko?
Hindi kaya may sakit na ako sa puso?
BINABASA MO ANG
My Unlucky Life
Teen FictionTAN SERIES # 2 Zafirah Mae Tan is just a mere student. She hated attention. She hated being the center of attraction. She has a simple life with friends so few. Xander Henares is the typical boy next door of the campus that girls swoon over for. He...