MUL 32

1.2K 29 0
                                    

Katatapos lang ng klase ko ngayon.

"Sige Zafirah una na ko. May PE class pa ko," paalam sa akin ni Kirsten.

"Sige," nakangiti kong sabi sa kanya at umalis na nga siya.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng biglang sumulpot si Xander.

"Gala tayo," yaya sa akin ni Xander.

"Ayoko."

"Sige naman Zafirah. Minsan na nga lang ako magyaya. Di mo pa ko mapagbibigyan. Please. Gusto ko talagang gumala eh."

"Eh di gumala ka mag-isa."

"Gusto ko kasama kita."

"Tandaan mo Xander pinanganak ka ng mag-isa."

"Pero I have the rights para makasama ka."

"Fine. Fine sama na ako."

"Yes," sabi nito tapos biglang nagring 'yung phone niya.

"Ah oo. Bakit? Anong nangyari kay Sophie? Sige. Sige. Pupuntahan ko na siya Patrisha," sabi ni Xander at binaba na nga ang cellphone niya.

"Ano 'yun?"

"May sakit kasi si Sophie kaya dapat ko siyang puntahan ngayon."

"Pero paano 'yung gala natin?"

"Umm. Babalik naman agad ako eh. Hintayin mo na lang ako sa waiting area."

"Sige," sabi ko at umalis na nga ito.

Ako naman bumuntong hininga na lang at nagpatuloy na sa paglalakad.

Xander's POV
Nandito ako sa bahay nila Sophie at sa dahil patungo ako sa kwarto ni Sophie ay nakasalubong ko si Bryan. Nagkatinginan kami pero ako ang unang bumawi ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Xander. I'm glad you're here."

"Ok ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" tanong ko ang noo niya kung mainit ba.

"Ba't hindi ka naman mainit?"

"Wala naman kasi akong lagnat."

"Pero sabi ni Patrisha."

"I know I know. Ang sabi ko kasi sa kanya masakit lang ang ulo ko pero ewan ko ba dun at tumawag sa akin at sinabi niya na sinabi niya raw sa'yo na may lagnat ako. Ewan ko ba dun sa babaeng 'yun at nagover react na naman."

"Um Sophie kung ganun pumunta lang talaga ako dito para icheck ka ngayon pero dahil ok ka lang naman aalis na ko."

"NO," sabi nito kaya naman napatingin agad ako sa kanya.

"Dito ka muna. Samahan  mo ko."

"Pero Sophie kasi."

"Please," sabi nito with puppy eyes.

"Sige na nga."

"Yehey."

Zafirah's POV

Nakaupo na ako dito ngayon sa waiting  area. It has been two hours pero di pa rin bumabalik si Xander.

I tried texting and calling him pero wala pa rin akong natatanggap na reply.

"Zafirah."

"Ikaw pala George."

"Anong ginagawa mo dito at mag-isa ka lang? Si Xander?"

"Pinuntahan si Sophie."

"Bakit?"

"May sakit eh."

"Ba't nandito ka? Ba't di ka umuwi na lang?"

"May usapan kasi kami ni Xander ngayon kaya hinihintay ko siya."

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon