Simula
"Em, nakapag rehearse ka ba kanina?"Tanong sa akin ni Christine na ngayon ay naglalagay ng pulang lipstick sa kanyang labi.
Umiling iling ako. "Di' na kailangan. Kabisado ko na ang mga kanta na yon.."
Kumakanta ako sa bar. Noon ay part time ko lang ito hanggang sa naging trabaho ko na. Nahirapan kasi akong mag apply ng trabaho dahil hindi naman ako galing sa magandang university. Face it, that's reality.
Humarap ako sa salamin at inayos ko ang aking itim na leather jacket na pagmamay-ari ko na ng ilang taon. Kung sobra sobra lang ang kinikita ko bawat gabi ay sana nakakabili na ako ng bagong gamit at hindi na ako umaasa sa hiram.
Fuck poverty. Fuck everything.
Kung hindi lang sana naging ganito ang buhay ko edi sana buo kaming pamilya ngayon. Edi sana nandito pa si Daddy at wala sa japan ang mga kapatid ko. At lalo nang hindi kami nakikisabay ni Mommy sa kahirapan dito sa pilipinas.
Naglalagay ako concealer nang may kumatok sa aming kwarto. Nilingon ko yon, our boss.
"Eto na bayad niyo ngayong gabi. Galingan niyo ha."Binato ng boss namin ang dalawang envelope sa vanity kung saan kami nag ma make up.
"Lumabas na kayo, madami nang costumer don."
Tumango ako, "Salamat, Boss A."
Ngumisi ang boss namin at lumabas. Agad naman naming kinuha ang nasa envelope. Binilang ko ang pera sa loob. Isang libo.
Maganda naman ang performance ko ah. Bakit hindi nila dagdagan to? Kulang pa to sa gamot ni Mommy. Shit, paano ko pagkakasyahin ang pera? Hindi ako sasabak bukas. Maghahanap ako ng kompanya at magbabaka sakaling matanggap. Wala namang masamang sumubok.
Umirap nalang ako sa kawalan habang nilagay ang sweldo ko ngayong gabi sa aking bag.
"Walang bonus no, ang daya talaga ni boss."
Tumayo nalang ako at muling tinignan ang itsura ko sa salamin. My hair are short, kahit kailan hindi ko ito pinahaba. Medyo kulot ito na hanggang balikat ko lang. I'm also petite. Hindi ako iyong babaeng kasing tangkad ng mga miss universe. I'm not slender but curvy, ang kutis ko naman ay maputi kahit na nakikipaglaban ako sa initan. Walang nagbago. I'm still the Madeline Leticia Guerrero, but this time, more wiser.
Matututo ka talagang maging madiskarte kapag napagdaanan mo na ang hirap sa buhay. Trust me.
"Una ka na don. Mamaya nalang ako pagkatapos ng dalawang kanta.."Rinig kong sabi ni Christine. Ako ang nagpasok sakanya dito. Anak siya ng may ari ng apartment na tinitirhan ko.
Lumabas ako ng kwarto at sumalubong sa akin ang ingay sa loob ng bar. Well, kahit papano naman ay high end ang bar na ito. Mapili rin ako, I'm not going to be a prostitute. Kahit bigyan mo ako ng ilang milyones ay hindi ako mabibili.
Nang papalapit na ako sa stage, tumigil na ang Under-Flare sa paginom ng kanilang drinks. I'm their vocalist for tonight. Matagal ko nang nakasama ang mga to. Siguro ay meron nang apat na taon, second year college ako ng sumali ako sa banda nila. Kilala ko na sila dati pa. Hindi lang ako sumali sa banda dahil mas focus ako sa pagaaral.
Inabot sa akin ni Marvin ang microphone. He's the bass guitarist of the band. Si Sean ang drummer, tapos si Angelo ay doon naman sa keyboard. Si Jason naman ang gitarista namin.
Umupo ako sa bar stool na nakalagay lang sa gitna ng stage. Pumalakpak ang ilan, siguradong kilala na ako dito ng regular customers. Lalo na yong mga nag ca-call center.
BINABASA MO ANG
When He Fell (Innocent Hearts #2)
RomanceMadeline Leticia Guerrero. When it comes to her feelings, remaining faithful is never an option but a priority. She's so vocal about everything, she's so confident about herself and about what she can do. Hindi siya hihinto sa kakasubok hanggang hin...